Heaven kinumpirmang hiwalay na kay Kiko: I don’t need any relationship

Heaven kinumpirmang hiwalay na kay Kiko: I don't need any relationship

SA recent vlog na in-upload ni Heaven Peralejo ay kinumpirma na niya ang tunay na estado ng kanilang relasyon ni Kiko Estrada.

“Oh my God. Okay, I’m single but not ready to mingle,” diretsahang sagot ng aktres.

Matagal na rin kasing usap-usapan kung totoo bang naghiwalay na ang dalawa matapos nitong aminin sa madlang pipol na sila na noong Agosto.

Tumanggap ng napakaraming pambabatikos ang dalaga sa mga netizens at tinawag siyang “third party”, “ahas”, at “malandi” dahil inagaw raw niya ang aktor sa dati nitong karelasyon na si Devon Seron.

Nagkaroon pa nga ng exclusive interview si Kiko sa dating talent manager na si Ogie Diaz upang depensahan at linisin ang pangalan ni Heaven.

Ngunit tila pasabog ang nangyari dahil ilang linggo matapos ang kanilang pag-amin pati na rin ng exclusive interview ni Kiko ay binura nito ang kanilang litrato ni Heaven sa Instagram at in-unfollow rin niya ang aktres.

Nanatili namang naka-follow ang dalaga sa aktor at nang tanungin ito ukol sa kanilang dalawa noon ay wala itong diretsong sagot kung naghiwalay na nga ba sila ng aktor.

Ngunit ngayon ay ready na ang aktres para aminin na wala na talaga sila ni Kiko.

Nang tanungin naman siya kung naka-move on na nga ba siya sa aktor ay inamin ni Heaven na naka-move na nga siya.

“What I can say is yes and nandito ako sa phase na sobrang cliche but I’m just loving myself. I am getting to know me, ibang phase talaga ‘yon,” saad ng aktres.

Dagdag pa niya, kaya raw siya nasa Siargao ngayon ay dahil nais niyang matutunan ang pagiging independent at enjoy-in ang buhay.

“I don’t need any relationship. I just need my friends and I just need me. I’m really happy right now, super happy. As in walang bigat sa puso ko. Nandoon ako sa phase na ‘yun.”

Related chika:
Heaven umaming naging ‘rollercoaster’ ang buhay: I’m in the phase of loving myself
#Anyare: Kiko Estrada, Heaven Peralejo hiwalay na, nagkasawaan agad?

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Read more...