Aiko umiiyak na nagpaalam sa Prima Donnas: Sabi ko sa inyo bumibigay na si Kendra... | Bandera

Aiko umiiyak na nagpaalam sa Prima Donnas: Sabi ko sa inyo bumibigay na si Kendra…

Reggee Bonoan - October 25, 2021 - 10:35 AM

Aiko Melendez

“IT’S official, Maria Kendra is signing off!” Ito ang bahagi ng Facebook post ng aktres na si Aiko Melendez nitong Linggo ng hatinggabi.

Ang kanyang tinutukoy ay ang ginagampanan niyang role sa panghapong teleserye ng GMA 7 na “Prima Donnas.”

“I love u so much ma goodluck to ur new journey. Primadonnas…. Kendra signing off (praying hands emoji). Salamat sa 2 taon na masayang pagsasama (tatlong heart emojis).

“Primadonnas season 2. Salamat sa lahat ng nagmamahal ke Kendra. Hanggang sa muli. My Final bow. I am Humbled (praying hands emoji),” ang pamamaalam pa ni Aiko sa kanyang FB post.

Sa pagpasok ng season 2 ng “Prima Donnas” ay kasali pa si Aiko pero nag-last taping day na ang aktres sa programa at sa kanyang huling gabi ay pinasalamatan niya ang buong production.

Gumagaralgal ang boses na sabi ng aktres, “First of all I want to thank everyone from the cast down to the crew to my director (sabay turo kay direk Gina Alajar) whom I will miss so much (at tila batang umiiyak at sabay pahig ng luha) because she became my mother here.

“Especially during and when my father died, you were there for me (umiiyak pa rin). Ms Redgyn (Alba, GMA executive) salamat. I wasn’t the first choice, for everyone to know, I wasn’t the first choice to be the Kendra here.

“But they say whether you are the first or the last what matters is you give yourself to everything and that’s what I did, I gave my best in Primadonnas and I don’t regret any day working with all of you,” sabi ng aktres.

Isa-isang binanggit ni Aiko ang mga pangalan ng production staff kasama na ang cast lalo na ang tatlong dalagitang bida sa serye na sina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan, at ang leading man niyang si Wendell Ramos na ilang beses na rin niyang nakatrabaho.

Naaliw kami dahil umiiyak na tumatawa ang aktres nang inakala niyang bibigyan siya ng background music at sinabi niyang “Huwag kayong mag-sound (tumawa), echo pala ng mic (mikropono). Sabi ko sa inyo bumibigay na si Kendra, sana hindi ko mauwi ito.

“Salamat sa inyong lahat basta alam n’yo na. I’m not entering a new journey in my life because I’ve been in public service for quite sometime but I’m just coming back.

“I will make you all proud because I will be serving people. I’m not leaving here out of just because hindi ko na gustong magtrabaho.  

“I will be leaving here for the greater purpose and because God directed me that path. Everyone thank you so much, sa mga taga-Quezon City, alam na ha (tawanan ang lahat)!”

Sa muling pagbanggit ni Aiko ng pangalan ng direktor niyang si Ms. Gina ay nawala ang boses nito dahil pigil ang pag-iyak.

“Direk Gina, mahal na mahal po kita, you have my love, my respect. I will miss you the most here. Si Katrina (Halili) wala siya,” pahayag pa ng aktres.

Winelkam rin ni Aiko ang bagong pasok sa serye na si Sheryl Cruz, “She, welcome to the family. You’re taking my place, I hope you enjoy their company as much as I did.  You’re in good hands because they are great people. Good people with good heart and good soul.

“Maraming salamat po karangalan kong maging si Kendra Fajardo wannabe Claveria, rock and roll! pagtatapos ng aktres.

Si direk Gina naman ang nagsalita para purihin at pasalamatan si Aiko, “We are so happy na magaan kang kasama, we’re so happy dahil nakasundo mo lahat pati mga bata.  We’re so happy, when you’re in the set, you’re so magaan. When you’re on the set wala kang reklamo, truly totoo ‘yan.

“When you’re on the set pag malapit na ang 1 o’clock well noong wala pang pandemic medyo bakulaw ka na noon pag malapit na pero madali ka namang pakiusapan, madali ka namang sabihan ng one more shot, one more shot and you’re willing to do that.

“And you’re leaving a happy note, you’re leaving happy memories with us at hanggang matapos ang Primadonnas ikaw ay palagi naming kasama in spirit and your memories will remain with us.
“And we hope to see you soon, we hope to work with you again and sabi nga ni Wendell hindi dapat malungkot kasi sa labas magkikita-kita naman tayo, di ba?

“But you know, we will always pray for your success! We will always pray and sana, maraming taga-Quezon City dito. Ha-hahaha!  Sana mahingan ka namin ng tulong (sabi ni Aiko yes at itinaas pa ang kaliwang kamay). Thank you, thank you so much Aiks. Thank you so much for giving us your talent.

“And congratulations for being the Best Supporting Actress of Prima Donnas, we love you!” masayang pamamaalam din ng direktora.

Ang ganda nga naman ng pag-alis ni Aiko sa nasabing programa dahil nag-iwan siya ng marka sa show at sa mga kasamahan niya at higit sa lahat, nakahirit pa siya ng acting award.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/280463/aiko-ginagamit-ang-kita-sa-youtube-para-makapagbigay-ng-ayuda-sa-mga-kapuspalad

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending