Jak, Lauren, Klea ipaglalaban ang paninindigan at self-love; ‘Never Say Goodbye’ hataw sa ratings
Klea Pineda, Jak Roberto at Lauren Young
UNANG linggo pa lang ng bagongvKapuso afternoon series na “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” ay humataw agad ito sa ratings game.
Talagang inabangan at tinutukan ng Kapuso viewers ang pagsisimula ng nasabing mini-series na pinagbibidahan nina Jak Roberto, Klea Pineda at Lauren Young.
Base sa datos ng NUTAM People Ratings, nakakuha ng 8.1% ang “Never Say Goodbye” nitong nagdaang Miyerkules kaya naman abot-langit ang pasasalamat ng buong production sa mga Kapuso viewers.
In fairness, marami kasing OFW ang nakaka-relate sa kuwento ng serye dahil nga sa karakter nina Jak at Lauren bilang sina Bruce at Victoria na nagkakilala sa ibang bansa at magkakalapit sa isa’t isa.
Ayon kay Jak, bukod sa pag-ibig at pakikipagrelasyon ang kuwento ng “NSG” ay tungkol din sa iba’t ibang uri ng sakrispisyo.
“It’s all about sacrifices natin sa loved ones natin. ‘Yung mga decisions na kailangan nating pag-isipan at gawin, so lahat nang ‘yon nandito sa istorya.
“Sacrifices ko as a lover, sacrifices ni Joyce (Klea) bilang anak na bumubuhay sa pamilya niya, sacrifices ng pamilya niya noong nagkaroon ng cancer si Joyce, at mga sacrifices ni Victoria,” pahayag ng Kapuso hunk.
https://bandera.inquirer.net/295711/jak-roberto-natakot-nang-ialok-sa-kanya-ang-never-say-goodbye-mabigyan-ko-kaya-siya-ng-hustisya
Ayon naman kay Lauren, ang gusto niyang matutunan ng mga manonood sa kanilang serye kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng paninindigan.
“For Victoria, particularly, as much as she’s sacrificed and as much as she gave way to the person that she loves, there comes a point na you have to not only stand up for those around you but to learn to stand up for yourself.
“To know that sometimes it’s okay to choose yourself instead of the person you love because at the end of the day, who else do you have but yourself?” aniya pa.
Para naman kay Klea, ang pagpapahalaga sa mga taong nagmamahal at naniniwala sa ating kakayahan ang gusto niyang iparating sa mga viewers.
“’Yung ini-spend mong oras dapat pahalagahan mo kasama ‘yung mahal mo sa buhay kasi hindi mo alam kung bukas nandito pa sila sa mundo.
“‘Yung mga mahal mo sa buhay, ‘yung nanay mo, ‘yung tatay mo, nandito pa ba sila bukas? Kailangan nating pahalagahan ‘yung oras at i-treasure ‘yung mga moments na kasama natin sila,” diin pa ng dalaga.
Kabilang din sa afternoon drama series na ito sina Snooky Serna, Max Eigenmann, Herlene “Sexy Hipon” Budol, Luke Conde, Kim Rodriguez, Mosang, Shermaine Santiago at Phytos Ramirez with the special participation of Art Acuña and Joshua Zamora.
Napapanood ang “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” tuwing 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.