Kylie masaya na sa kabila ng kontrobersya: I will protect my happiness, no matter what

Kylie masaya na sa kabila ng kontrobersya: I will protect my happiness, no matter what

BASAG na basag si Kylie Padilla sa pinasabog ng asawang si Aljur Abrenica sa Facebook account nito noong Oktubre 19 kung saan hinamon siyang sabihin ang tunay na dahilan kung bakit sila naghiwalay at kung sino ang unang nagkaroon ng iba.

Pero nasa 70% ang suportang nakamit ng aktres sa netizens dahil mali ang ginawa ni Aljur na siraan sa publiko si Kylie kahit pa anong ginawa nito sa loob ng pagsasama nila bilang mag-asawa.

Darating ang araw na mababasa ito ng mga anak nina Aljur at Kylie at anon a lang ang mararamdaman nila?

Sabi nga ng aming source, napagod na si Aljur dahil lagi siyang sinisisi sa lahat at nu’ng nakahanap naman siya ng taong magpapasaya at tanggap kung ano ang estado niya sa buhay ang siyang hinarap ng netizens para sisihin na siya ang dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa na nadamay pa ang magulang ng girl.

At dito na umalma si Aljur, gusto niyang ipagtanggol ang taong mahal na niya pati pamilya nito na nadadamay sag alit ng netizens.

Anyway, ang 30% na nakisimpatiya kay Aljur ay talagang hindi rin tinantanan si Kylie lalo na nu’ng may bagong karakter sa kuwento na umanong itinurong 3rd party sa parte ng aktres ayon sa mga resibo ng netizens.

Pero kahit na anong sakit na mga komentong nabasa ng wife ni Aljur ay hindi siya sumagot maliban sa pagpuna niya sa kilalang manunulat at radio host ng programang Cristy Ferminute na si ‘Nay Cristy Fermin sa Twitter account nito na kaagad din niyang binura.

Ilang oras palang ang nakararaan habang sinusulat namin ito ay pinost ni Kylie ang larawan nilang mag-iinang kasama sina Axl Romeo at Alas.

Ang caption nito ay, “I have all I could ever want already. Para sa lahat ng nag- aalala sakin. I’m really ok (emoji praying hands). Masaya ako and I will protect my happiness. No matter what.”

At sabay promo ng series nila ni Andrea Torres.

“Oh and those watching BETCIN on VIP, EP 4 comes out later. One of my fav episodes in the series. See you sa IFLIX and @wetvphilippines.”

Umabot sa 154k ang ang like/love sa larawang ito ng mag-iina at kulang 1.3k ang nagkomento na nagparamdam ng suporta sa kanya at ito ang ilang nabasa namin.

Mula kay @love_jogarcia, “Hindi s’ya malaking kawalan sayo, maganda at bata ka pa, ‘yung mga anak mo sapat na para maging malakas ka para sa kanila focus ka sa career mo bata ka pa madami pa opportunity darating sayo. Tama ‘yung ginagawa mo unahin mo ‘yung alam mo mkk buti para sa inyo ng mga anak mo hindi ‘yung mag hanap agad ng kapalit tulad ng ex husband mo maganda ‘yung ginagawa mo instead balikan or labanan mo mga statement n’ya na walang kwenta , kc kahit hindi k na mag salita nkikita nmn sa kanya kung ano ‘yung maling paratang n’ya sayo. Kaya tama yan ginagawa mo protect your children first no matter what, out of them on that issue. Its only for both of you.”

Say din ni @sanggredaisy, “Stay strong hara marami kaming nagmamahal sayo (emojo hears).

Pabor naman si @queenmoja1122 na iniwan ng aktres ang asawa, “Team Kylie pa rin (emojie hearts). Buti iniwan m ung ganong klaseng lalaki. When you never said anything against him, in the end gusto kang sirain. Not worth it! No matter what, you are the mother of his kids. Mas lalaki pa ang mga bading sa kanya.”

Pinuri naman siya u @squasher_queen, “Bless you, such a brave momma! Continue slaying, walang makakatibag sayo at sa pamilyang binuo m E Correi diu Reyna Amihan.”

At sinagot ito ni Kylie ng limang hearts.

Related chika:

JM de Guzman, third party nga ba sa hiwalayang Aljur at Kylie?
Kylie nakamove-on na nga ba kaya walang pake kina Aljur at AJ?

Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

Read more...