NAG-SORRY ang sexy actress na si AJ Raval kay Kylie Padilla pati na rin sa publiko matapos nitong i-share sa kanyang Facebook account ang statement ni Aljur Abrenica ukol sa tunay na hiwalayan nila ng aktres.
Ang kanyang public apology ay ibinahagi ni AJ sa kanyang TikTok account. Dito ay ipinaliwanag niya kung bakit niya nagawang i-share ang naturang statement.
“Tungkol ‘to sa statement ni AJ (Aljur Abrenica) na shinare ko. Gusto ko lang i-explain kung bakit ko shinare. Hindi naman sa nakisawsaw ako sa issue nila. Shinare ko ‘yun kasi I’m trying to protect myself and my family also.
“People are accusing me sa isang bagay na hindi ko naman ginagawa. Tinatawag nila akong ‘kabit’, tinatawag nila akong ‘homewrecker’, which is hindi naman totoo. Wala akong sinisirang pamilya, never akong maninira ng pamilya.” saad ni AJ.
Matatandaang nagsimulang maugnay si AJ sa isyu ng hiwalayang Aljur-Kylie nang aminin nito na nililigawan siya ng aktor.
Mas lalong tumindi ang pambabatikos kay AJ ng madlang pipol noong kumalat ang kanilang larawan na magkasamang namimili sa isang mall sa Pampanga.
Nilinaw naman noon ni Kylie na hindi si AJ ang “third party” at sinabing nagkasundo na sila ng estranged husband na si Aljur na maaari silang makipag-date sa iba.
Ikinuwento rin niya kung gaano na siya kaapektado sa lumalalang isyu sa pagitan nila nina Aljur at Kylie.
“Pati family ko nadadamay na, ‘yung parents ko. Well, noong una, tinatanggap ko pa ‘yung mga sinasabi sa akin ng mga tao. Pero ngayon na nadadamay na family ko, sobrang affected ako. ‘Yung nanay oo umiiyak. Naapektuhan ako dun,” pagpapatuloy ni AJ.
Aniya, wala naman daw talaga siyang pakialam sa naging isyu ng mag-asawa. Narinig na raw niya ito noon pero kahit kailan raw ay hindi siya naglabas ng kahit anong statement tungkol rito lalo na’t wala naman siyang karapatan na magsalita ukol sa isyu. Na-share lang talaga niya ang statement ni Aljur dala na rin ng bugso ng damdamin.
“I’m really sorry sa lahat ng mga naapektuhan. Sa mga nagalit, I’m really sorry, and also kay Kylie, I’m sorry kung shinare ko ‘yung statement na ‘yun. It’s not my intention to hurt anybody. I was just trying to protect myself,” pagpapaliwanag ni AJ.
“Iyon nga lang, mali ‘yung way ko. Pero na-realize ko rin na baka nga tama kayo, I’m too immature and I need to grow. I’m really sorry sa lahat ng naapektuhan at sa lahat po ng nagalit. Pasensya na po at sana mapatawad niyo ako,” dagdag pa ni AJ.
Nagpapasalamat naman ang young actress sa mga taong patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanya sa nagdaang mga linggo.
“Maraming, maraming salamat sa mga nagmamahal sa akin, sa mga sumusuporta. Nababasa ko ‘yung mga message niyo. Naa-appreciate ko kayong lahat. Thank you,” sey ni AJ.
Inamin rin niya na lubos nang naaapektuhan ang kanyang mental health sa mga nagdaang linggo ng pambabatikos sa kanya ng netizens.
“Ayoko na, gusto ko na lang po ng peace. Sana matapos na ‘to kasi bugbog na talaga ‘yung mental health ko. Hindi ko na kaya. Mag-so-social media detox muna ako siguro. Next year na ako babalik sa social media.”
Karagdagang ulat:
Kylie nakamove-on na nga ba kaya walang pake kina Aljur at AJ?
Andrea nagpositibo sa COVID-19; nilinaw ang viral ‘sikat na sila agad’ statement
Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook