Mark Anthony sa first gay role: Nag-shave ako ng 20-year-old na buhok, kailangan makinis!
Mark Anthony Fernandez, Joel Torre, Baron Geisler at Jeric Raval
UNANG beses gaganap na bading si Mark Anthony Fernandez sa pelikula ni Direk Darryl Yap na “Barumbadings” at hindi naman nagdalawang-isip na tanggapin ito ng aktor nu’ng mabasa niya kung sinu-sino ang kanyang makakasama.
“First time kong gumanap na third sex pero marami po akong kaibigan na third sex. Nu’ng na-offer sa akin ang script at nakita ko ang cast Joel Torre, Jeric Raval, John Lapus, talagang umoo agad ako tapos action fiction todo fiction kaya tinanggap kop o mas more on na-excite po ako,” pahayag ng aktor.
At bilang bading ay pinaghandaan ito ni Mark, “I made sure na makinis ang skin ko, kailangan medyo magmukhang babae, binawasan ko ang weight ko, nag-shave ako ng 20-year old na buhok tapos todo motivation po.”
Ano ang challenges kay Mark bilang gay sa “Barumbadings”? “Pinaka-challenge po sa akin ‘yung naka-high heels po ako na nagpa-fight scenes na dapat mukhang babae, kilos babae, kung baga motivated na motivated ako. Kay direk ako nakabaling na maga-guide niya akong mabuti.
“Ang hirap po talaga ng fight scenes na naka-high heels. In fact, ‘yung bata na artista napilay din po siya dahil nag-a-action scene siya na naka-high heels,” kuwento ni Mark
Nabanggit din na may eksenang malaki ‘yung isang binti niya, “’Yung isang picture po do’n malaki ‘yung legs ko dahil habang nagdya-jogging po ako, na-injure po ako. Kaya ‘yung picture po na isa, malaki ‘yung isang legs ko sa isa.
“So ‘yun po ang pinaka-concern ko po sa buong shooting namin,” pagtatapat ng aktor.
At dahil mga tunay na barako ang apat na bida ng “Barumbadings” na sina Mark, Jeric Raval, Baron Geisler at Joel Torre ay hindi ba nahirapan si Direk Darryl?
“To be very honest, nahirapan lang kami sa schedule ni direk Joel. Kasi nasa bucket list niya ‘yung maging gay sa pelikula, flamboyant gay,” saad ni direk.
Personal niyang ni-request si Joel para sa ika-12th film niya sa Viva Films at pinayagan naman siya ng management. Kaya ginawang mother gay ni direk Darryl ang karakter ni Joel bilang si Mother Joy.
“Yun po talaga ang gusto ko to get straight men to play gay role because I’m not really the woke minded director na ang kailangang i-cast sa bakla ay bakla lang o i-cast sa mga ganito ay kung sino sila sa totoong buhay.
“I always believe in the artistry and truth of a person more than the truth in real life. I’m a movie director and the representation of the characters shoulde be learned and should be researched hindi porket ikaw ‘yun, dapat ‘yun lang ang makukuha mong role.
“With the cast lahat naman matatalino, madaling turuan, nahirapan lang siguro ako sa pagpapalambot kasi sobrang controlled lahat na every now and then magka-cut ako kasi masyadong mataas ang balikat ni Mark Anthony, magka-cut ako kasi ‘yung tindig nina sir Jeric, nina Baron,” mahabang paliwanag ni direk Darryl.
Anyway, mapapanood na ang “Barumbadings” sa Nob. 5 sa Vivamax.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.