P1,000 Teachers’ Day incentive sinimulan nang ipamahagi ng DepEd

Tatlong guro ang gumagamit ng computer para sa paghahanda ng kanilang klase.

File photo

NOON pang Oktubre 5 sinimulan ng Department of Education (DepEd) ang pamamahagi ng P1,000 World Teachers’ Day Incentive Benefit.

Sinabi ni Sec. Leonor Briones, kabuuang P910 milyon ang inilaan para sa nabanggit na benepisyo.

Aniya ito ay maliit na paraan para kilalanin ang dedikasyon at sakripisyo ng mga guro para maipagpatuloy ang pagbibigay karunungan kahit may pandemya.

Samantala, inamin ni Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla na maaaring magkaroon ng pagkaantala sa pagtanggap ng mga guro ng benepisyo.

“Yung iba po, kung magkakaroon man ng delay, it would be probably because of their quarantine status, banking hours, remittance of the cash payment but huwag po silang mag-alala ‘yung October 5 is the start of the giving but the processing, we started as early as August,” sabi ni Sevilla.

Kaugnay na ulat:

Public school teachers, bibigyan ng DepEd ng tatlong buwang internet load

Aiko naloka sa desisyon ng DepEd, natakot para sa mga guro: Bakit hindi po nila need magpa-vaccine?

Read more...