Abby Viduya 'lucky charm' ni Jomari: Akalain n'yo kami rin pala ang magsasama sa huli! Bandera

Abby Viduya ‘lucky charm’ ni Jomari: Akalain n’yo kami rin pala ang magsasama sa huli!

Ervin Santiago |October 14,2021
share this

Abby Viduya ‘lucky charm’ ni Jomari: Akalain n’yo kami rin pala ang magsasama sa huli!

Ervin Santiago October 14, 2021 - 12:35 PM

Jomari Yllana at Abby Viduya

“LUCKY charm” ang turing ng actor-politician na si Jomari Yllana sa kanyang girlfriend ngayon, ang dating sexy actress na si Abby Viduya.

Ayon kay Jom, napakaraming magagandang nangyari sa kanyang personal na buhay nang magkabalikan sila ni Abby at naniniwala siya na mukhang sila na nga ang itinadhana para sa isa’t isa.

“Mula nang magsama uli kami, maraming naituwid na tama sa buhay ko. Isa siya sa nagbibigay ng inspirasyon sa akin,” pahayag ng aktor nang makachikahan ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at ilan pang showbiz reporters kahapon.

“Si Abby napakaespesyal niya sa akin. Ang ending, kami rin pala. Si Abby very supportive sa lahat ng ginagawa ko. 

“Lucky charm ko siya. Malaking pasalamat ko sa kanya, sa support, sa mga ginagawa ko, lalo na sa public service,” sey pa ni Jomari na tatakbong konsehal sa Parañaque City sa 2022 elections. Ito na ang ikatlong term ni Jomari bilang konsehal. 

Ayon naman kay Abby, buong-buo ang suporta niya kay Jomari, “I’m here for him. If he needs anything, nandito lang ako for him kung ano ang kailangan niya. Mostly napu-provide ko sa kanya ay inspiration. It goes both ways, pareho kami, inspiration ko rin siya.

“Together we make each other stronger. We can face anything. Ganu’n ang love namin for each other. Mutual respect and understanding. Akalain mo, sa huli kami rin pala ni Jomari. Ha-hahaha!” chika pa ng aktres.

“Isang bagay na na-discover ko kay Jom, surprisingly, his love of helping people. Hindi ko ito nakita noon sa kanya, kasi nga bata pa siya.

“Pero ‘yung heart is there. Hindi siya typical politician. ‘Yung pagmamahal niya sa tao, nandu’n talaga. Pinalaki si Jom ng parents niya na God fearing. Very religious si Jom,” ang sabi pa ni Abby patungkol kay Jom.

Aiko proud sa anak na si Andre Yllana; naniniwalang pagpapalain lalo dahil sa generosity nito

Tungkol naman sa usaping kasalan, wala pa raw silang plano in the near future pero inamin nilang gusto rin nilang magka-baby. Hirit ni Jom, “Pero sana kaya pa ng mga katawan namin. Ha-hahaha!” 

Samantala, talaga raw isinakripisyo muna ni Jomari ang kanyang showbiz career para sa public service, “Nandiyan ‘yung mga offer na magaganda, sa Probinsyano, naka-meeting ko pa sila Dondon Monteverde and Direk Erik Matti, maganda ang ibinibigay nila sa aking role.

“Pero dapat talaga, 100% ang trabaho mo kapag nasa posisyon ka,” diin ng aktor kasabay ng pagsasabing may nag-offer din sa kanya na tumakbong congressman sa District 4 ng Bicol ngunit tinanggihan niya ito dahil mas gusto niyang tapusin ang kanyang last term bilang councilor ng Parañaque.

In fairness, nag-aral din si Jom sa UP ng Development Legislation Enhancement Course and Introduction to Excellence in Local Legislation para mas maging karapat-dapat siya sa mundo ng public service.

“Working for government has been a learning curve for me, reason why I purposely left showbiz so I could focus,’’ aniya pa.

Isa sa magagandang nagawa ni Jomari sa Parañaque ay ang ordinansa na kung saan ay nagbibigay sila ng educational financial assistance sa mga matatalino at masisipag na estudyante.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending