Victoria Vincent tinanggihan ang offer na maging Miss Universe NZ: I am a Filipina Bandera

Victoria Vincent tinanggihan ang offer na maging Miss Universe NZ: I am a Filipina

Therese Arceo |October 13,2021
share this

Victoria Vincent tinanggihan ang offer na maging Miss Universe NZ: I am a Filipina

Therese Arceo October 13, 2021 - 01:51 PM

IBINUNYAG ng hinirang na Miss Universe PH Charity Victoria Vincent na nakatanggap siya ng offer na maging Miss Universe New Zealand.

Ang offer ay naganap matapos ang nagdaraang coronation night noong Setyembre 30, ayon sa kaniyang post sa Instagram account.

“After a week of contemplation, countless discussions with my family, friends and team, I eventually came to the decision to politely decline the offer,” saad ng dalaga.

Si Victoria ay isinilang at lumaki sa New Zealand. Paniguradong may magsasabing “baliw” siya dahil ni-reject niya ang isang magandang oportunidad pero naniniwala siya na ito ang nararapat na gawin.

“My heart is, and always will be here to serve the Philippines. Some may say I’m not Filipina enough, and that’s ok.

I know who I am. I know what I stand for. I am Filipina,” dagdag pa nito.

Nagpasalamat naman ito sa Miss Universe New Zealand organization sa kabutihang ipinamalas nito. Grateful rin ang dalaga sa pagtitiwala at sa opportunity na in-offer sa kaniya kahit na ito’y tinanggihan niya.

Nagpaabot rin ang dalaga ng pasasalamat sa Miss Universe PH sa suportang ibinibigay nito sa kanya.

Si Victoria Vincent ang representative ng Cavite na nagwagi bilang Miss Universe PH Charity.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending