Julia naging 'abogado' ni Marco tungkol sa tunay na relasyon nila ni Ivana: Magsasalita siya pag ready na... Bandera

Julia naging ‘abogado’ ni Marco tungkol sa tunay na relasyon nila ni Ivana: Magsasalita siya pag ready na…

Ervin Santiago |October 13,2021
share this

Julia naging ‘abogado’ ni Marco tungkol sa tunay na relasyon nila ni Ivana: Magsasalita siya pag ready na…

Ervin Santiago October 13, 2021 - 12:09 PM

Ivana Alawi, Marco Gumabao, Julia Barretto at Marco Gallo

HINDI diretsong sinagot ng hunk actor na si Marco Gumabao ang tanong kung girlfriend na nga ba niya ang sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi.

Kumalat kasi sa social media ang mga litrato at video ng dalawa na tila kuha sa loob ng isang KTV bar. Makikita rito ang kanilang sweet moments together kaya naman inakala ng publiko na sila na.

Pero may mga nagsabi naman na luma na ang video at nangyari ang “videoke date” nina Marco at Ivana bago pa magkaroon ng pandemya. Bukod dito, maikli pa raw ang buhok ng aktres sa video kaya baka raw matagal na itong nangyari.

Sa virtual mediacon kagabi ng TV series ni Marco sa TV5 na “Di Na Muli” kung saan kasama rin niya sina Julia Barretto at Marco Gallo, natanong ang hunk actor tungkol sa kanila ni Ivana.

“Gaano ka ba ka-inspired ngayon? Yung girl ba na kasama mo sa viral photo ang nagpapasayasa sa puso mo ngayon?” tanong kay Marco.

“Lagi naman akong inspired, lagi naman. Ah, lagi naman akong inspired,” ang natatawang sey ng binata.

Sundot na tanong sa aktor kung may extra special ba sa pagiging inspired niya ngayon? “Ah, yeah. Yes I’m…” ang biting sagot ni Marco.

Dito na nag-react si Julia na kilala ring malapit kay Marco, “Huli kami sa balita.”
Hirit ni Marco, “Si Direk tumatawa, eh. Naguguluhan ako sa ‘yo. Direk, huwag kang tumatawa.”

Singit uli ni Julia, “I’m sure si Marco will talk about it when he’s ready to talk about it. I think everyone is still in shock and he’s still overwhelmed kasi si Marco is the type of guy na kapag private life niya, gusto niya private lang.”

“We’ve been friends for eight years now. I think I can tell Marco really likes a girl. I know when Marco is actually going to pursue a girl. I know that because I know how he behaves when he’s in love.

“I know how he starts acting like he’s in love, but I also know Marco when he’s unsure. I also know Marco when he’s nervous. I also know Marco when he’s afraid,” ang pagsalo ni Julia tungkol sa lovelife ng kaibigan.

Actually, matagal nang nababalita na nagkaroon ng “something” sa pagitan nina Ivana at Marco. Sa ilang Instagram post noon ng vlogger ginagamit pa niya ang “MarVana” na pinagsamang pangalan nila ng binata.

May isang litrato pa kaming nakita noon sa IG kung saan naka-topless si Marco sa gilid ng isang pool hawak ang isang wine glass na kuha umano ni Ivana base na rin sa kanyang komento.

Samantala, ang premiere episode ng “Di Na Muli” noong Sept. 18, na unang pagtatambal nina Julia at Marco, with Marco Gallo, ay talagang tinangkilik ng fans.

#DiNaMuliKapitLang, ang official promo hashtag ng seryeng ito ay nag-trending sa Twitter na may kasamang mga papuri. Ang ilan sa mga tweets ay nagsasabing, “Maganda. Bago lahat sa mata.  (Ang) casting, super fresh sa eyes.”  “Ginalingan agad first episode pa lang”, at “Nadadala talaga ako sa mga iyak mo, Juls.”

Ang kwento ay iikot sa pagiging bukas sa pag-ibig at pagharap sa pagsisisi. Si Julia ay gumaganap bilang Yanna, matalino at mapagmahal, ngunit simula nang malaman niyang may kakayahan siyang makita ang nalalabing panahon ng mga tao sa pamamagitan lamang ng paghawak ng kanilang kamay, pinili ni Yanna na huwag maging malapit sa mga tao.  Nagpapanggap siya na isang germaphobe para makaiwas sa paghawak sa mga tao.   

Pangarap ni Yanna na makapagtayo ng isang negosyo at suportado ito ng kanyang kaibigan at manliligaw na si CJ, na ginagampanan ni Marco Gallo. Nararamdaman ni CJ ang pag-iwas ni Yanna ngunit patuloy pa rin ang pagpapakita niya dito ng pagmamahal.  

Kay CJ natutunan ni Yanna na dapat pahalagahan ang mga oras na kapiling ang mga taong mahalaga sa kanyang buhay.   

Nang makilala naman ni Yanna si Mico, isang gwapo ngunit mapangdudang lalaki, naisip ni Yanna na malabong magkasundo sila nito. Ngunit tadhana na naglapit sa kanila.   

Gayunpaman, iniingatan pa rin ni Yanna na hindi mahawakan ang mga kamay ni Mico. Ngunit hanggang kalian niya maiiwasan ito?  At paano kung matuklasan niya sa madilim na nakaraan ni Mico?  

Sa direksyon ni Andoy Ranay, ang “Di Na Muli” ay mula sa produksyon ng Cignal at Sari Sari Channel, kasama ang Viva Entertainment.  Ito ay mayroong 14 episodes at mapapanood sa  TV5 tuwing Saturday, 8 p.m. at may catch-up airings sa Sari Sari Channel, 7 p.m..  

Simula sa ikatlong linggo ng Oktubre, nasa Vivamax na rin ang “Di Na Muli”.  Para mag-stream, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net.  

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending