Kuya Kim umaming hate na hate mag-aral noon; buking sa pagiging 'Felix Bakat' Bandera

Kuya Kim umaming hate na hate mag-aral noon; buking sa pagiging ‘Felix Bakat’

Ervin Santiago |October 13,2021
share this

Kuya Kim umaming hate na hate mag-aral noon; buking sa pagiging ‘Felix Bakat’

Ervin Santiago October 13, 2021 - 08:56 AM

Kim Atienza

TRIVIA pa more tungkol sa bagong Kapuso host na si Kim Atienza. Knows n’yo ba na hate na hate pala ni Kuya Kim ang pagpasok sa school?

Ayon sa TV host at tinaguriang trivia king, umabot ng pitong taon bago niya natapos ang kurso niya sa kolehiyo dahil nga ayaw niyang mag-aral.

“I hated school so much. It took me seven years to finish college dahil ayoko mag-aral talaga,” sabi ni Kuya Kim sa panayam ng GMA.

Ngunit nilinaw naman niya agad na talagang nasa sistema na niya ang pagbabasa kaya kinarir din niya ang pagre-research sa mga bagay-bagay na gusto niyang matutunan.

“Back in high school, I liked to read. I would cut classes so I can go to the library and read things I like. I wanted to read. I wanted to know.

“Learning is a real passion of mine. I’m actually smart, but hated structured knowledge,” pahayag pa ng TV host.

Ngunit ipinagdiinan naman ni Kuya Kim na, “I’m not advising that for the young people. I always say nga, ‘mag-aral nang mabuti para buhay ay bumuti.’ The safest way is to go to school and excel in school.” 

Samantala, ilan pang detalye tungkol kay Kuya Kim ang ibinandera sa “Kapuso Mo Jessica Soho” last Sunday kabilang na ang pagbibigay boses sa bidang robot sa series na “Ultra Man.”

Ayon kay Kuya Kim, bukod sa pagboboses kay Ultra Man siya rin ang voice talent sa mga kalaban nito.

Ipinakita rin niya ang kanyang koleksyon ng reptile kabilang na ang alaga niyang dambuhalang sawa na isang albino pati na ang  mga prehistoric item na nakolekta niya tulad ng “dumi” ng dinosaur.

At knows n’yo ba na mahilig din siya sa motorsiklo na nagamit daw niya sa pagporma sa kanyang wifey noong nanliligaw pa siya rito.

Ibinuking din ni Kuya Kim sa “KMJS” na talagang pangarap niya ang sumikat kaya halos lahat ng trabaho sa media ay sinubukan niya.

Bukod sa pagiging radio reporter ay nag-work din siya sa TV at naging theater actor. Pinasok din niya ang pagba-ballet at aerobics na nagamit naman niya sa paglabas niya sa telebisyon.

“Ako ang kauna-unahang lalaki na nagsuot ng lycra sa TV….’felix’ — ‘felix bakat!'” ang chika pa ni Kuya Kim tungkol sa naging TV show niya noon.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending