Ariella Arida kay Miss Universe PH Bea Gomez: I have nothing against her being openly gay
Bea Gomez at Ariella Arida
NANINIWALA si 2013 Miss Universe 3rd runner-up Ariella Arida na walang kinalaman ang sexual orientation ni Bea Gomez sa pagkapanalo niya bilang Miss Universe Philippines 2021.
Sure na sure ang beauty queen-actress na malaki ang posibilidad na maiuwi rin ni Bea ang titulo at korona sa 70th Miss Universe na na gaganapin sa Eliat, Israel sa darating na December.
“First of all, I have nothing against her being openly gay. I would say, maybe it’s not the reason why siya yung nanalo, it’s her performance during that night,” simulang pahayag ni Ariella nang tanungin tungkol kay Bea sa virtual mediacon ng bago niyang pelikula under Viva Films, ang “Sarap Mong Patayin.”
“I would say na talagang with the ramp and the way she presented herself, kanya talaga yung gabing ‘yon. And then, sumagot din siya nang maayos sa Q&A (question and answer).
“Kumbaga, from all those rounds, talagang check siya. Siguro talagang nasa top siya ng judges. And it so happened, openly gay siya,” chika pa ni Ariella.
Aniya pa, “Miss Universe is very open. They’ve been really celebrating any gender right now.
“Sabi ko nga, every time tatanungin ako, sa atin panahon lang yung hinihintay, but we will get there. And now na nga is the time dahil Bea will be the one representing our country.
“We all know that she’s really loud and proud with her sexuality, and I don’t see na magiging factor yun about her performance internationally, especially sa Miss Universe.
“Dahil nga, sa Miss Universe, very open and very understanding as an organization. With her performance, if she would do kagaya nang ginawa niya noong finals night, for sure, mapapansin talaga ‘yan sa Miss Universe.
“I like the way how she would answer questions. Very chill siya. Makikita mo yung humility and yung personality niya. The way she answers and basta ituluy-tuloy lang niya until the finals.
“I know two months na lang yung preparation, and kayang-kaya niya because of the team behind her is very prepared na. They know what they would do for her,” tuluy-tuloy na chika ng aktres.
Samantala, dahil sa talamak na pagpapangggap at panloloko sa social media, ang iba’t ibang karanasan ng mga nabibiktima ay talaga namang nakababahala at nakapanlulumo.
Ngayong Oktubre, inihahandog ng Vivamax ang pelikulang “Sarap Mong Patayin” na tungkol sa “catfishing” o ang paggamit ng ibang imahe sa social media para makapanloko ng tao at makuha ang mga gusto nila. At kapag hinaluan pa ng droga ang panlolokong ito, siguradong malaking pinsala sa lahat ng sangkot.
Si Kit Thompson ay gumaganap bilang Yael na madalas sa CrossFit gym. Ang kanyang larawan ay nasa Course, isang online dating app kung saan maaaring sumali sa mga sexual activities.
Kailangan lang pindutin ang “Inter” kung handa nang makipagtalik nang personal, o “Intra” kung hanggang online lamang. Magpapadala ng mensahe si Yael sa kanyang ka-chat at pipindutin ang “Inter”.
Si Ariella Arida ay gumaganap bilang Krista, ang babaeng pinaniniwalaaan ni Yael na kanyang ka-chat, at laman ng kanyang panaginip. Samantala, hindi lamang si Krista ang may hawak ng kanyang account sa Course.
At si Lassy Marquez ng Beks Battalion ay gumaganap bilang Noel, kaibigan ni Krista at kasabwat sa “catfishing”. Excited na si Noel na makasama si Yael. Pinaplano niyang maigi ang mga gagawin nila ni Krista. Matindi ang pangangailangang pinansyal ni Noel kaya dapat magtagumpay sila na perahan si Yael.
Ang “Sarap Mong Patayin” ay mula sa panulat at direksyon ni direk Darryl Yap. Ang sexy pyschomedy na ito ay magbibigay ng iba’t ibang emosyon na siguradong ikawiwindang ng manonood.
Streaming na sa Vivamax ang “Sarap Mong Patayin” simula Oct. 15. Ito rin ang pamagat ng theme song na inawit ni Marion Aunor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.