Madam Inutz, Ethel Booba nagkabati na | Bandera

Madam Inutz, Ethel Booba nagkabati na

Therese Arceo |September 28,2021
facebook
share this

Madam Inutz, Ethel Booba nagkabati na

Therese Arceo - September 28, 2021 - 06:09 PM

 

NAGKABATI na ang social media star na si Madam Inutz at ang komedyanang si Ethel Booba matapos ang naging kontrobersya na kinasangkutan nila kamakailan.

Nagkaayos ang dalawa matapos muling magharap sa isang episode ng “Sing Galing” kung saan contestant si Madam Inutz at parte naman ng judges si Ethel Booba.

“‘Yung performance mo, ang masasabi ko lang talaga, ang pangit talaga,” seryosong sabi ni Ethel.

Ngunit kalaunan ay sinabi nitong, “Charot lang. Charot lang. Tumayo nga ako di ba? Tumayo ako kasi grabe! Ang galing mo talaga! Bagay na bagay sayo.”

Tinanong naman siya ng mga host kung baka may nais bang sabihin ang dalawa aa isa’t isa dahil na nga rin sa nangyaring kontrobersya.

“Alam po ni Ate Ethel, wala kaming kaproble-problema. Talagang may ginagalang lang tayo at mayroon tayong pinirmahang kontrata kaya dun lang talaga,” sey ni Madam Inutz.

“Maging friend tayo sa totoong buhay. Malalagpasan din natin ‘to, ‘yung mga ganyan kasi hindi pa naiintindihan ng marami ‘yung ganito.

“Bago ka lang rin sa showbiz kaya medyo naguguluhan ka rin pero sana dumating ‘yung time na magkaibtindihan na talaga ng loob. Sana maging sa totoong buhay ‘yung pagiging close natin,” saad naman ni Ethel.

Inimbitahan rin ng mga hosts si Ethel na pumunta sa tabi ni Madam Inutz para tuluyan nang matapos ang namamagitang isyu sa dalawa.

“Sandali. ‘Yung manager ko, please lang, pakitawag nga,” biro naman ni Ethel habang palapit sa stage.

“Wait lang, ah. Wait lang. Walang camera, bawal magpa-picture,” dagdag pa nito na kinatawa ng lahat.

Nagpasalamat naman si Ethel sa show dahil binigyan sila ng pagkakataon ni Madam Inutz ba makapag-usap at magkaayos.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa dahil friends nang muli ang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Magaan sa pakiramdam na nagkita at nagkausap ang dalawa. Pareho kasi sila mga lokarets di mo dila makitaan ng moment na malungkot kasi ang saya saya nila,” comment ng netizen.

Hiling nila na sana ay magtuloy-tuloy na ang magandang relasyon ng dalawa lalo na’t parehas silang kuwela at patok sa madlang pipol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending