Pasabog na sorpresa nina Daniel at Kathryn tuloy na: Oh my God! Heto na talaga! | Bandera

Pasabog na sorpresa nina Daniel at Kathryn tuloy na: Oh my God! Heto na talaga!

Reggee Bonoan |September 28,2021
facebook
share this

Pasabog na sorpresa nina Daniel at Kathryn tuloy na: Oh my God! Heto na talaga!

Reggee Bonoan - September 28, 2021 - 08:57 AM

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

“TOO Good To Be True” ang magiging titulo ng bagong teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ABS-CBN.

Pagkalipas nga ng apat na taong pamamahinga ng KathNiel sa paggawa ng drama serye, tuloy na ang muli nilang pagtatambal sa “Too Good To Be True.” 

Pero napanood naman ang magkarelasyon sa totoong buhay sa digital comedy-family series na “The House Arrest of Us” noong 2020 na napanood sa iWantTFC at ngayon ay nasa Netflix na.

Base sa panayam ni MJ Felipe ng “TV Patrol” sa KathNiel ay sisimulan na ang kanilang taping sa darating na Oktubre.

Ayon kay Kath, “Mga Kapamilya ito na po ang isa sa sorpresa na hinanda namin sa inyo at ng ABS-CBN finally, ia-announce na po namin na tuloy na tuloy na po ang teleserye namin.

“Mag-start na po kami mag-taping this October so the title is ‘Too Good To Be True’ at sana abangan n’yo and we’re really excited about this project,” sabi ng aktres 

Dagdag naman ni Daniel, “After four years, di ba? Four years na wala kami sa TV, heto nagbabalik na kami at magte-taping na kami very soon.”

Umabot daw ng isang taon ang pagbuo nila ng konsepto at script ng serye, hands-on daw ang mag-sing-irog sa latest project nila na ididirek ni Mae Cruz Alviar mula sa unit na RGE sa pamumuno ni Mamu Rizza G. Ebriega.

“With the help of the whole production team ni direk Mae, one of our favorite directors and we’re happy that she said yes.

“And sinabi talaga namin ni DJ na gusto naming gumawa ng parang romcom (romantic-comedy) like Pangako Sa ‘Yo na heavy drama tapos nag-La Luna Sangre na action naman. ‘Yung last naming romcom was Got To Believe (2013) pa,” kuwento ng aktres.

Say ni Daniel, “Yes, it’s Too Good To Be True, nakagawa na kaming lahat ng isang magandang proyekto, isang magandang script.  Excitement ang nararamdaman ko ngayon dahil it’s been a while and very excited.”

Natawang inamin naman ni Kathryn na may nararamdaman siyang nerbyos o kaba sa muling paggawa ng serye, “Meron, kakatapos lang ng storycon namin tapos doon ko na na-feel na, ‘oh my God, heto na talaga. 

Ang milyones na tagahanga ng KathNiel ang main reason kung bakit magbabalik-telebisyon sila dahil nami-miss na sila and in return ay pakikiligin nila ang mga tagahanga gabi-gabi sa primetime.

“Sa loob ng sampung taon na ‘yun di ba? Alam na rin namin kung ano ang hinahanap sa amin ni Kathryn,” sambit ni DJ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagbiro naman si MJ ng, “Sure ka ba ‘yun ang hinahanap? Ang hinahanap nila kasal, eh.”
Sabay nagkatawanan sina Kathryn at Daniel, “Hanep MJ. Yeah, I think taping muna tayo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending