Ogie binanatan si Jasmine: Ikaw kaya mag-motor
KINUYOG ng netizens ang Kapuso actress na si Jasmine Curtis matapos mag-post sa social media ukol sa pagkadismaya niya sa isang delivery rider.
Mukhang hindi nagustuhan ng madlang pipol ang tila pamamahiyang ginawa ng aktres sa delivery rider at inakusahan pa itong ninakaw raw ang ipina-deliver niyang pagkain.
Isang netizen nga ang matapang na tinawag ang pansin ng aktres at sinabing, “Hmmm, sana di na i-post. I know di mo nakuha yung fud mo pero pwede naman ireport sa app. What if nagkaprob lang, naipost at napahoya na si kuya, cguro naman di ganun kabawasan ung halaga nawala sau. Pero ung kahihiyan ng tao if di naman sadya ang nangyari di na maibalik.”
Ipinaliwanag naman ng aktres ang kaniyang sarili at dinelete na ang post dahil nagreply na ang kumpanya sa kaniyang concern hinggil sa order nito.
“Hi. I’ve taken it down and I did simultaneously report it in the app and via twitter. The team has processed my refund. Wala po sa halaga ang concern. Thank you for your advice and will take place on board next time,” saad naman ni Jasmine.
Napa-comment naman ang talent manager at chikadorang si Ogie Diaz.
“Hindi ba puwedeng nagmomotor ‘yon, Jasmine? Alam mo bang mas madidisgrasya ‘yun habang nagmomotor dahil kailangan kang sagutin? Ikaw kaya mag-motor,” sey ni Mama Ogs.
Nabanggit rin niya ang sinabi ng aktor na si Lester Llansang na isa ring delivery rider na minsan ay dapat ring intindijin ng customers kung saan nanggagaling ang mga delivery rider.
Giit naman ni Mama Loi, pwedeng late na-late ang pag-prepare ng pagkain o kaya naman ay mahaba ang pila.
Sey pa ni Ogie, sa tingin niya ay hindi naman siguro ipagpapalit ng rider sa maliit na halaga ang pangalan at trabaho.
“Buti naisip mong i-blur ‘yung mukha nung driver. Next time, konting empathy, konting compassion,” payo naman ni Ogie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.