Nikko pinagsisihan na nasaktan noon ang fiancé: Kung wala siya, wala ako sa kalagayan ko ngayon | Bandera

Nikko pinagsisihan na nasaktan noon ang fiancé: Kung wala siya, wala ako sa kalagayan ko ngayon

Therese Arceo |September 24,2021
facebook
share this

Nikko pinagsisihan na nasaktan noon ang fiancé: Kung wala siya, wala ako sa kalagayan ko ngayon

Therese Arceo - September 24, 2021 - 02:36 PM

MATAPANG na ikinuwento ng aktor at miyembro na si Nikko Natividad ang love story nila ng soon to be wife na si Cielo Eusebio.

Pitong taon nang magkarelasyon si Nikko at Cielo. Nagsimula silang tumira sa isang apartment matapos niyang mabuntis ang girlfriend.

Kuwento niya, ang unang gamit nila noon ay isang aparador, electric fan at kutson na pag-aari pa ni Cielo. Nangako siya sa dyowa na unti-unti, makapagpupundar siya ng gamit basta’t mag-antay lamang ito.

Laking gulat niya, mga ilang linggo pa lang ay may mga kumukuha na sa kanyang mga barangay para sa fiesta dahil medyo nakilala na siya matapos ang pagkapanalo sa Gandang Lalaki sa “It’s Showtime”.

Ngunit iyon rin daw ang taon na ayaw nang balikan ni Nikko dahil ‘yun daw ang mga panahon kung saan nasaktan niya nang pisikal ang partner.

“Nagawa ko siyang saktan physically. Napagsasalitaan ko siya nang di maganda.

“Naging alcoholic kasi ako. Hindi ko alam kung anong dahilan. Dahil ba sa depression? Sa stress kasi walang-wala p ako non. O nabibigla ako sa mga pangyayari dahil manganganak siya,” pag-amin ng aktor.

Hindi pa raw siya artista at walang stable na pinagkakakitaan nang mangyari ang mga ‘yon.

Umabot pa nga raw ito sa punto kung saan nais na siyang ipabarangay ng ama ni Cielo ngunit pinigilan lang ito ng kanyang partner dahil naniniwala siya na magbabago ang aktor.

“Sabi ko sa kanya, ‘kapag inulit ko ito sa ‘yo, pakulong mo ko kasi ayoko nang ulitin ‘to sa ‘yo. Hindi lang physically, pati emotionally. Di kita lolokohin’.

“Kung wala siya, wala ako ngayon sa kalagayan ko,” sey ng aktor.

Ikinuwento rin niya na madalas siyang kulitin ni Cielo na pakasalan na siya dahil matagal na silang nagsasama at lumalaki na ang anak.

Umabot pa nga sa ayaw nang umattend ng kasal ni Nikko dahil umiiyak at naiinggit si Cielo. Aniya, hindi pa siya ready.

Kaya naman gulat na gulat si Cielo nang tawagin siya ng aktor at ayaing magpakasal.

Labis rin ang tuwa nila dahil sa kabila ng pandemya ay maraming blessings ang dumarating sa kanila.

Naglaan lamang daw siya ng konting budget para sa kasal ngunit marami ang lumapit sa kanila para mag-sponsor at magbigay ng malalaking discounts.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi mala-fairytale ang kanilang kuwento at malayo rin ito sa perpekto pero nakakabilib kung paano sila ginabayan ng Panginoon at matapos nga ang mga hirap na kanilang dinanas ay finally, magbubukas na ang panibagong chapter nila bilang mag-asawa.

Mapapanood naman sa YouTube vlogs nila ang mga updates sa kanilang kasal ngayong darating na Oktubre 31.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending