Regine naimbyerna sa mga nagrereklamo kay Ogie: 'Wag na kayo manood | Bandera

Regine naimbyerna sa mga nagrereklamo kay Ogie: ‘Wag na kayo manood

Therese Arceo |September 24,2021
facebook
share this

Regine naimbyerna sa mga nagrereklamo kay Ogie: ‘Wag na kayo manood

Therese Arceo - September 24, 2021 - 01:06 PM

REGINE VELASQUEZ

HINDI na nga nakapgpig ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at napa-tweet na sa labis na pagkaimbyerna sa mga “reklamador” sa social media.

Ayon sa tweet nito, “Disclaimer: ‘yung makakapal ang mukhang magreklamo tapos magtweet pa UTANG NA LOOB wag na kayong manood!! Para ang laki ng binabayad niyo sa asawa ko ha!!!! Libre lang kaya walang basagan ng trip!!!”

May mga netizens kasi na nagko-comment at nagrereklamo na ‘wag na raw isali ang asawa nitong si Ogie Alcasid sa “Turtleneck sesh” na ginagawa nito sa YouTube channel nito.

Marami naman sa mga netizens ang nakisimpatya at kinampihan ang Asia’s Songbird.

Comment ng mga ito, puwede naman daw silang mag-leave o puwedeng ‘wag na lamang manood kung ayaw nila kay Ogie at hindi ‘yung napapa-comment pa sila.

Dagdag pa nila, hiyang-hiya naman daw si Ogie sa mga bashers niya gayong napakaraming kanta ang sumikat na inawit ni Ogie.

Mukha namang kumalma na si Regine matapos ang kaniyang tweet dahil nag-livestream pa rin ito sa YouTube ngunit hindi niya kasama on-cam ang asawa.

Payo naman ng mga supporters nina Regine at Ogie, ‘wag na lang nilang pansinin ang mga taong nagko-comment ng negative sa kanila.

“Deadma mo sila Ms. Reg!!! Wala kang makukuha sa kanila. Enjoy life and have fun. Just keep sharing the good vibes to everyone. You inspired us a lot,” comment ng isang netizen.

“Hayaan na natin sila. Ma-stress ka lang po. Karma na po bahala sa kanila at si God,” sey naman ng isa pang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending