Epy Quizon babayaran ng P30-M ng politiko para sa ginawang kanta: Hindi ko tinanggap
Epy Quizon
BILANG pakikiisa sa selebrasyon ng International Day of Peace, pormal nang inilunsad sa social media ng veteran actor na si Epy Quizon ang advocacy campaign at website na MagkaisaPH.
Ang pinakalayunin ng grupo sa programang ito ay magkaroon ng isang digital space na puro kapayapaan lamang ang mababasa at mapapanood.
Kasabay nga nito ang pagbabahagi ni Epy sa sambayanang Filipino ng ginawa niyang inspirational song na “Lukso Ng Dugo” para sa pagsisimula ng operasyon ng MagkaisaPH.
Nagpapasalamat si Epy dahil pumayag ang naglalakihang pangalan sa music industry na makiisa sa pagkanta ng “Lukso ng Dugo” tulad nina Gary Valenciano, Erik Santos, Ira Cruz, Matteo Guidicelli, Bayang Barrios, Gloc 9 with Kyla, Nyoy Volante, Cookie Chua, Yeng Constantino, Rivermaya at marami pang iba.
Mapapanood na ang music video nito simula sa Oct. 16 sa mismong YouTube channel ng Magkaisa PH.
Ayon kay Epy, sa tulong ng kanyang mga kaibigan sa entertainment industry, ay naisakatuparan nila ang nasabing proyekto, “Ginagamit namin yung kultura ng Pilipinas, ang ating mga awitin, ang ating mga pelilkula, towards a better understanding in terms of communication.
“Kumbaga, it’s a place na good vibes lang ang ipinapakita namin. In a day and age na medyo magulo, maraming kinakabahan na, maraming galit, maraming kaaway, iba’t ibang factions.
“Ito, it’s a place where ipinapakita natin ang kultura ng mga Pilipino, sa arts and culture natin, kaya natin mag-unite and be proud again to be Filipino,” paliwanag pa ng aktor.
Kuwento pa niya, “Actually, dapat kasi last year siya ilalabas, hinintay namin yung ‘Bukal’. Then, dumating ang pandemic, lalo siyang na-hold. I guess, this time around, talagang perfect timing na siya para ilabas and this is really the message of MagkaisaPH.”
Ang “Bukal” ay ang first directorial job ni Epy na isang short film kung saan nanalo siyang Best Director sa Cannes World Film Festival nitong July, 2021. Naiuwi rin nila ang Best Foreign Film at Best Ensemble Cast awards.
Samantala, marami naman ang nagsasabi na baka raw may plano na ring sumabak sa politika ang anak ng yumaong Comedy King na si Dolphy kaya binuo nila ang MagkaisaPH.
Itinanggi naman ito ng aktor, “Maski anong mangyari, hindi ako tatakbo ng politika. I will heed to my dad’s footsteps. Ngayon pa lang, sasabihin ko na sa inyo, maski i-offer pa nila ako ng maraming-maraming salapi, I will not run for politics.
“This will be my stand. The MagkaisaPH will be my stand. As my voice, this will be my voice — to really mediate a common ground for everyone. Kamukha nito, halos lahat kaibigan ko ang tatakbo, lahat ng mga nagpaparamdam mga kaibigan ko.
“So, I will not be standing on one side but will mediate the common ground for everyone to have better communication. That’s where I will be. Sabi nga ng tatay ko, madaling maging hari, pero we’re born as jesters, so I will remain as a jester,” diin pa niya.
Sa tanong kung papayag ba siyang gamitin ng mga kakandidato sa 2022 elections ang “Lukso ng Dugo” bilang campaign song, “I was offered P30 million. I will not name who, but I was offered P30 million.
“I could’ve paid everyone, the artists, everyone, but I refused. Wala akong pera noon sa banko, wala akong trabaho noong time na inoperan ako ng P30 million. Sabi ko nga, tapos na lahat ng problema namin noon, di ba? Napaisip ako, medyo nabulag ako ng mga two minutes,” pag-amin ni Epy.
Pero aniya, “I refused the P30 milllion, there’s no amount anymore that can ano… yun nga, sabi ko, I can make you another one, but not this one. This song is not owned by me anymore. This song is owned by all the artists who are part of it. All these people who are with me right now, owns it already.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.