Albie na-shock nang malamang callboy ang role sa movie; Julie Anne muling nadiskubre ang sarili
Julie Anne San Jose, Christine Bermas at Albie Casino
SIGURADONG masa-shock daw ang mga tagasuporta ng Kapamilya actor na si Albie Casiño sa mga gagawin niyang eksena sa pelikulang “Moonlight Butterfly”.
Nakachikahan namin kamakailan sa face-to-face presscon at story conference ng latest offering ng 316 Media Network ang binata kasama ang iba pang members ng cast.
Gaganap si Albie sa movie na ididirek ni Joel Lamangan bilang isang sex worker o callboy na magiging love interest ng baguhang sexy star na si Christine Bermas.
Inamin ng aktor na isa ito sa pinaka-challenging role na gagawin niya sa pelikula kaya excited na siyang mag-shooting. Talagang aaralin daw niya ang kanyang karakter bilang callboy.
“Nu’ng sinabi sa akin na may movie akong gagawin, talagang pumayag agad ako pero nagulat ako nang malaman kong ‘hosto’ pala ang magiging role ko,” kuwento ni Albie.
Aniya pa, hindi na raw niya tinanong kung ano ang kuwento o tema ng “Moonlight Butterfly” at tinanggap agad ang proyekto dahil kay Direk Joel na ilang beses na niyang nakatrabaho.
Nang tanungin sa ginanap na storycon kung totodo ba siya sa mga love scene nila ni Christine sa movie, natawa muna siya sabay sabing, secret daw muna.
“Basta may gagawin ako sa movie na never ko pang ginawa sa lahat ng movies ko. Yun ang abangan n’yo,” aniya pa.
Kasama rin sa “Moonlight Butterfly” sina Kit Thompson, Tanya Gomez, Quinn Carrillo, Gigo de Guzman, Hershie de Leon, Jim Pebangco, Ivan Carapiet at Jolo Estrada.
* * *
Nagpapasalamat ang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa lahat ng nanood at sumuporta sa first part ng kanyang online show na “Limitless, A Musical Trilogy” na nag-premiere noong Biyernes, Sept. 17, at nag-trend sa social media hanggang kinabukasan.
Sa first part nito na “Breathe”, dinala ni Julie ang mga manonood sa Mindanao kung saan hindi lang niya ibinahagi ang kanyang musika kundi pati na rin ang kultura ng local residents na nakasama niya.
Itinuring nga ni Julie na “masterpiece” ang nasabing musical journey produced by GMA Synergy at sana nga raw ay samahan pa siya ng mga concert-goer sa susunod na dalawang leg na “Heal” at “Rise.”
“I just finished watching the first part of ‘Limitless, A Musical Trilogy.’ It was a roller-coaster of emotions, same way na roller-coaster ride rin ‘yung pinagdaanan namin.
“It was beautifully captured, everyone really put in the hard work. This is a masterpiece and I also hope that this is something that can change your life and your perspective.
“I was able to breathe and rediscover myself once again. My heart is so full right now. Cheers to life, nakahinga na ako. It’s time to heal and rise up. God bless everyone, love you all,” ani Julie sa isang video message.
Excited na ang fang ng Limitless Star sa next leg ng show sa Nov. 20. Available pa rin ang tickets sa www.GMANetwork.com/synergy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.