Halikan nina Beauty at Kelvin sa 'Miss Bridgette' nagpasabog ng kilig, sigaw ng fans: More! More! Bandera

Halikan nina Beauty at Kelvin sa ‘Miss Bridgette’ nagpasabog ng kilig, sigaw ng fans: More! More!

Ervin Santiago |September 21,2021
share this

Halikan nina Beauty at Kelvin sa ‘Miss Bridgette’ nagpasabog ng kilig, sigaw ng fans: More! More!

Ervin Santiago September 21, 2021 - 08:48 AM

Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda

TALAGANG inabangan ng Kapuso viewers ang episode kahapon ng GMA Afternoon Prime mini-series na “Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette.” 

E, kasi nga, nangyari na ang pinakaaabangang kissing scene ng mga bida sa serye na sina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda na gumaganap bilang sina Miss Bridgette at Marcus.

In fairness ha, kahit nga May-December affair ang tema ng serye at mas matanda si Beauty kay Kelvin ay mararamdaman mo pa rin ang kilig at ang napakatindi nilang screen chemistry.

Ang bongga ni Kelvin sa halikan nila ni Beauty, parang talagang sanay na sanay na siya na makipag-kissing scene sa tunay na buhay dahil nga aminado naman siya na dalawa sa mga naging dyowa niya noon ay mas matanda sa kanya.

Komento ng ilan sa mga nakapanood sa nasabing eksena, sana raw ay mas marami pang ganu’ng eksena sina Kelvin at Beauty sa mga susunod na episode.

Nag-trending din sa social media ang “bed scene” ng dalawang bida sa serye na talagang ikinakilig din ng mga manonood.

Sa nakaraang panayam ng press kay Beauty, sinabi nito na talagang pinag-usapan nila ni Kelvin ang kanilang mga intimate scenes sa tulong na rin ng kanilang direktor na si Adolf Alix, Jr..

“When doing a love scene, I always talk about it with my co-actor. It’s choreography. A love scene is a dance. It doesn’t have to be rushed; it needs to be savored — every kiss, move, touch, nuances and look. Kelvin was a very good student,” pahayag ng bagong Kapuso star.

Sabi pa niya tungkol sa pakikipagrelasyon ng isang mas mature na babae sa bagets na lalaki, “It’s about the experience and emotional maturity of the person.

“There are younger people who are mature, like me, and there are older people who are childish. It’s about how they share their experience,” aniya pa.

Inamin naman ni Kelvin na pagdating sa mga love scenes ay marami pa siyang dapat matutunan  pero may mga tips na siyang nakuha mula kina Beauty at Direk Adolf.

“Marami pa akong kailangang matutunan. At least, dito sa first time ko, malawak na kaagad ‘yung reach ng learning ko. Very thankful ako sa mga katrabaho ko,” chika ni Kelvin. 

Kasama rin sa “Loving Miss Bridgette” sina Pamela Prinster, Shanicka Arganda, Nikki Co, Adrian Alandy, Bing Loyzaga, Noel Colet, Polo Ravales at Lloyd Samartino.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending