Ivana sumabak sa spicy food challenge: Hindi ko po tina-try maging baboy! Bandera

Ivana sumabak sa spicy food challenge: Hindi ko po tina-try maging baboy!

Ervin Santiago |September 15,2021
share this

Ivana sumabak sa spicy food challenge: Hindi ko po tina-try maging baboy!

Ervin Santiago | September 15, 2021 - 03:15 PM

“NAKAKACHAKA ang challenge na ‘to!” Yan ang hugot ni Ivana Alawi sa bagong vlog na ginawa niya kamakailan kasama ang kanyang nanay at dalawang kapatid.

In fairness, habang sinusulat namin ang chikang ito ay umabot na sa mahigit 2.4 million ang views ng  YouTube vlog ng sexy actress-vlogger na may titulong “Spicy Food For 24 Hours Challenge.”

Nakalaban nga ni Ivana sa game na ito ang kapatid niyang si Hash na hindi rin umatras sa challenge kung saan sa loob ng 24 oras ay puro maaanghang lang ang kakainin nila.

Sa unang bahagi ng video ay ka-join pa sa challenge ang nanay ni Ivana at ang kapatid na si Mona pero nagdesisyon silang huwag nang isali ang mga ito dahil hindi na nila kayang kumain ng sobrang anghang.

Sa sumunod na eksena ipinakita na nga kung gaano katapang ang magkapatid sa pagkain ng spicy food, talagang nilalagyan nila ng hot sauce ang bawat kainin nila nu’ng araw na yun. 

Hanggang sa sabay-sabay na ngang kumain ang pamilya Alawi sa lamesa at lahat ng nakahain sa kanila ay puro may siling labuyo na luto lahat ni Ivana.

“Sa sobrang hot, hinahangin ako! Ha-hahaha! Nilalaklak ko ang sili!” sey ni Ivana.

“Ibang klase itong sili na to! Kapag kinagat mo parang kobra! Kalahating sili. Maanghang talaga siya kapag malaki.

“Hindi ko na kaya. Tulo na sipon ko. Nasunog dila ko sa anghang!” ang dire-diretsong chika ng sexy vlogger.

Sey ng dalaga, favorite talaga niya ang maaanghang na pagkain pero matindi raw pala kapag pinapak mo lang ang siling pula, tagos daw hanggang buto ang anghang.

“Unang kagat parang wala, parang kendi, pero sobrang anghang pala!” ang reklamo ng aktres.
Tawang-tawa naman ang nanay at kapatid ni Ivana nang bigla siyang umobo sabay labas ng kanyang sipon sa ilong.

“Bastos. Oh my God, nakita niyo?” ang panunukso ni Hash sa kapatid.

Paliwanag naman ni Ivana, “Nahatsing kasi ako. Ha-hahaha! Wala namang lumabas. Nakakapangit ang challenge na ito. Hindi ko naman sinadya ‘yun. Hindi ko gustong maging baboy,” depensa pa niya.

“Akala ko magiging masaya ang video na ito. Pero sobrang intense pala. Ang hirap. Baka mag-diet na lang ako,” sabi pa niya.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending