Rabiya handang-handa nang sumabak sa akting; may planong mag-join sa ibang pageant? Bandera

Rabiya handang-handa nang sumabak sa akting; may planong mag-join sa ibang pageant?

Ervin Santiago |September 15,2021
share this

Rabiya handang-handa nang sumabak sa akting; may planong mag-join sa ibang pageant?

Ervin Santiago September 15, 2021 - 11:45 AM

Rabiya Mateo

HANDANG-HANDA na si 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa bagong chapter ng kanyang buhay.

Ayon sa dalaga, ready na siyang sumabak sa pagiging artista at magsisimula nga ito pagkatapos niyang ipasa ang kanyang korona sa susunod na Miss Universe Philippines winner.

Kinumpirma ni Rabiya na very soon ay pipirma na siya ng exclusive contract sa isang TV network after her journey as a beauty queen. Walang binanggit na istasyom ang dalaga pero nauna nang nabalita na sa GMA 7 siya unang mapapanood bilang aktres.

“I’m also excited to turn over my crown on September 25 (Miss Universe Philippines 2021 coronation night) because I will be signing with a TV network here in the Philippines. And I might start doing acting,” ang pahayag ni Rabiya sa chikahan nila ni Miss Universe Indonesia 2020 Ayu Maulida.

Ngayon pa lang ay excited na si Rabiya sa pagsabak niya sa larangan ng pag-arte dahil alam niyang ibang challenge naman ang haharapin niya rito.

“It’s a different chapter. Me being a beauty queen is about to end, but we’re about to open a different one and this is Rabiya as an actress. I’m excited about it.

“I know it’s not going to be easy. I need to do some workshops to improve my acting skills, but I am up for it. If I was able to do Miss Universe back, then I can do this also,” sey pa ni Rabiya.

Sa tanong kung may plano pa ba siyang sumali sa ibang beauty pageant pagkatapos ng kanyang Miss Universe Philippines reign, sabi ni Rabiya wala pa ito sa next priorities niya.

“A lot of people have been pushing me to join a different (pageant) but for now, I just wanna rest my body and my mind because Miss Universe is no joke. I just want to rest for now.

“But I am not closing any door as of the moment because we’ll never know. Give it two to three years, I might have a different answer, so let’s just see,” aniya pa.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending