Mayor Isko 'di na nakapagpigil: Ang hirap kausap ng bingi! | Bandera

Mayor Isko ‘di na nakapagpigil: Ang hirap kausap ng bingi!

Reggee Bonoan - September 10, 2021 - 03:21 PM

ISKO MORENO

MUKHANG hindi na nakapagpigil si Mayor Isko Moreno at napasalita na ukol sa kakulangan ng mga medisina na kinakailangan ng mga COVID-19 patients.

“Pinipigilan ko ang damdamin ko kasi ayaw ko ng away. Kasi ang away walang mabuting idudulot pero ang hirap kausap ng bingi!” ito ang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno sa pamahalaan dahil sa kakulangan ng gamot na Remdesivir at Tocilizumab.

“Wala kasi silang ideya, sila namumuhay sa Disneyland hindi na sa reality, nangangamatay ang tao, Brod (Sec. Francisco Duque).

“Gusto ninyo lumuhod pa ako, Mr. President (Rodrigo Duterte) nanawagan ako na tanggalin ninyo ang mga taong walang malasakit sa kapwa niya,” panawagan ni Yorme Isko kay PRRD.

Sabay sabing, “Mag cuentas claras na tayo tutal kakaharapin ko naman kayo sa Oktubre (hiyawan ang tao), pero bago dumating ang Oktubre bumili muna kayo ng Tocilizumab ngayon kasi habang nagkukuwentuhan tayo, may mga nangangamatay ngayon. ‘Yan ang katotohanan ng buhay.

“Kaya Mr. President nakikisuyo po kami nangako ka naman sa amin, eh. Naniniwala naman kami sa ‘yo, eh. Tanggalin mo na ‘yung mga taong walang malasakit at kung sumagot pabalang-balang na para bang ang buhay namin walang kuwenta.”

Tanging kahilingan lang ng ama ng Maynila na sana unahing bumili ng mga nabanggit na gamot dahil maraming pasyenteng critical at severe kaysa sa face shield na hindi naman daw nakatulong.

“’Wag n’yo na po akong isiping mayor, isipin n’yong mamayan ako at taxpayer, nakikiusap po ako na bumili kayo ng Remdesivir at Tocilizumab kayong mga nasa ahensiya ng gobyerno na itinalaga, ‘yan ang panawagan namin sa inyo.

Nakabili raw sila nitong Enero pero naubos na dahil sa pagtaas ng covid cases na ipinamamahagi rin nila sa iba’t ibang probinsya.

“Anybody that we can reach just to save lives. If these medicines can save lives, then we should focus our little resources on things that can save lives hindi face shield. ‘Wag na kayong makipagkulitan sa akin.

“Walang bisa ang face shield! Bakit ba ‘yan ang pinipilit n’yo lagi, gamot, gamot, gamot ang kailangan ng tao. Umiiyak ang mga nanay, ‘yung anak nila severe, kritikal!

“Umiiyak ‘yung mga anak, mga apo lolo’t lola nila, tatay, nanay, tiyuhin, kaibigan nila hindi mabigyan ng tamang laban!” diin ni Mayor Isko.

Tumanim sa mga nakapanood ng video interview ni Yorme Isko nan aka-upload sa Batang Maynila To-Its YouTube channel na tuloy ang kandidatura niya sa mas mataas na posisyon 2022 at malalaman sa Oktubre kapag nag-file kung ano ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa halos 2k komentong nabasa namin ay susuportahan daw nila si Yorme sa laban niya para sa ikabubuti ng bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending