Kristine may 2 pang artistahing kapatid sa Canada, plano rin kayang mag-artista? | Bandera

Kristine may 2 pang artistahing kapatid sa Canada, plano rin kayang mag-artista?

Reggee Bonoan - September 09, 2021 - 05:31 PM

Kristine Hermosa, Mai, Kathleen, Maxine at Joshua

KAARAWAN ngayong araw, Set. 9 ni Kristine Hermosa-Sotto at 38 years old na siya ngunit wala siyang bagong post sa social media kung paano niya ito ipinagdiwang.

Pero sigurado kami na mas maligaya ang selebrasyon ng kanyang birthday dahil bukod sa asawang si Oyo Sotto at mga anak ay kasama rin niya ngayon ang ate niyang Kathleen at inang si Mama Mai Hermosa.

Dumating sa bansa ang ina ni Kristine halos isang buwan na ang nakararaan galing Canada kung saan siya nakabase kasama ang isa pang anak na babae na si Maxine, 31 years old at may asawa na rin pero wala pang anak.

Nanganak kasi si Kristine noong unang linggo ng Agosto kaya dumating ang mama niya at para madalaw na rin ang mga apo na sobrang miss na raw niya base sa tsikahan namin through viber.

Tinanong namin kung for good na ang pagdating ni Mai sa Pinas, “Hindi ‘Gee tapusin ko lang ang birthday ni Tin balik na rin ako kasi walang mag-aasikaso sa negosyo ko.”

Isang licensed aesthetician ang mama nina Kristine at Kathleen at may sarili siyang clinic sa Canada kung saan iba’t ibang lahi ang kliyente niya.

Sa pagkakatanda namin ay nagsimulang maging distributor si Mai ng beauty products at inaral na rin niya ang tungkol sa beauty treatment hanggang sa nag-exam at naging lisensyado na nga.

Samantala, ipinakita ni Mai ang larawan ng mga naiwang anak sa Canada na sina Maxine at Josh na 20 years old na ngayon at guwapo. Ang akala nga namin ay miyembro ng boy group sa ibang bansa.

Sa Spain pala nag-aaral si Josh at umuuwi lang ng Canada kapag Christmas at summer.  Nabanggit din ni Mai na gusto ring dalawin ng binata ang ate Tin at Kath niya na matagal niyang hindi nakikita.

“Matagal na siya sa Spain ‘Gee, super smart at fluent sa sa 6 languages. Modern languages ang kinukuha niya, interpreter and translator ang pangarap at gustong pumasok sa United Nations.

“Kinuha siya sa Embassy ng Spain for work kaya may extra allowance siya. Super galing humawak ng pera ni Josh hindi niya ako binigyan ng sakit ng ulo at hindi rin maluho,” pagmamalaki ni Mai sa bunsong kapatid nina Kristine at Kathleen.

At dahil mala-Ricky Martin noong kabataan niya ang itsura ng kapatid ni Kristine ay tinanong namin kung hindi nito naisip pasukin ang showbiz tulad ng mga ate niya.

“Hindi naman niya nabanggit kasi ang gusto nga niya maglibot sa ibang bansa at makapasok sa United Nations,” sagot ng ina ni Tin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay ini-enjoy ni Mai ang pag-aalaga sa mga apo niya kay Tintin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending