Bea kumasa sa birit showdown; Bianca umaming 'very much in love' ngayon | Bandera

Bea kumasa sa birit showdown; Bianca umaming ‘very much in love’ ngayon

Ervin Santiago |September 09,2021
facebook
share this

Bea kumasa sa birit showdown; Bianca umaming ‘very much in love’ ngayon

Ervin Santiago - September 09, 2021 - 09:10 AM

Bea Alonzo, Ruru Madrid at Bianca Umali

IBINANDERA ng Kapuso actress na si Bianca Umali sa buong universe na totoong “very much in love” siya ngayon.

Sa “May Pa-Presscon” segment ng “The Boobay and Tekla Show” nitong nakaraang Linggo, ipinagdiinan ni Bianca na okay na okay at masaya ang lagay ng kanyang puso.

“Umaamin po ako na yes, I am very much in love. Masaya ako, masayang-masaya yung puso ko. So dahil dito sinasagot ko, I am confirming na ako po ay in love,” pahayag ng isa sa leading lady ni Dennis Trillo sa Kapuso primetime series na “Legal Wives.”

Aniya pa, “Masaya ang puso ko. Ang pagmamahal ko ay ibunubuhos ko sa lahat ng aspeto na meron ako sa buhay ko. 

“In love ako sa trabaho ko, in love ako sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, in love ako sa mga aso ko kay Boop at tsaka kay Raja. In love ako sa lola ko, in love ako sa lahat. So masayang-masaya talaga ako ngayon,” paniniguro ni Bianca.

Hindi naman diretsahang sinabi ng aktres kung isa pa rin ba si Ruru Madrid sa mga nagpapasaya sa kanyang puso matapos ngang matsismis nitong mga nakaraang buwan na naghiwalay na raw ang dalawa.

Pero sa isang bahagi ng programa nagbigay si Bianca ng tatlong katangian ng kanyang ideal guy, “Unang-una sa lahat, God-fearing kasi ako, personally, talagang napakalaki ng tiwala ko kay God and may tiwala ako sa kanya na kung sino ang para sa akin ay para sa akin.

“Pangalawa, ‘yung pagiging maalagain and makatao, ‘yung simpleng ganu’n lang and pangatlo, ito yung pinakamahirap na katangian, ‘yung aaprubahan ng lola ko,” pahayag pa ng dalaga.

Samantala, sinagot din ni Bianca ang tanong kung okay pa ba ang relasyon nila ngayon ng dati niyang ka-loveteam na si Miguel Tanfelix.

“We’re very okay and kasi hindi rin naman biro yung tagal na napagsamahan namin noong magka-loveteam pa kami bilang BiGuel.

“I believe malaking parte rin naman ng mga buhay at ng career naming dalawa ang isa’t isa. Sa ngayon, kapag nagkikita kami talagang okay naman,” dugtong pang sagot ni Bianca.

* * *

Humanda na sa good vibes na hatid nina Boobay at Tekla dahil makakasama nila ang bagong Kapuso star na si Bea Alonzo sa unang pagkakataon sa “The Booby and Tekla Show” ngayong Linggo, Sept. 12. 

Sasalang si Bea sa isang no holds barred interview sa “May Pa-Presscon” kung saan sasagutin niya ang ilan sa pinakamahihirap na katungan mula sa kanyang heartbreak, relationship status, at career plans sa Kapuso Network.

Game rin na ipapamalas ni Bea ang kanyang husay sa pagkanta sa “Birit Showdown” kung saan aawit siya ng sikat na kanta ni Adele.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan lahat ng ito sa “The Boobay and Tekla Show”, ngayong Linggo pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending