Janus ayaw tantanan ng bashers; Julia tumulong sa paglilinis ng gym ni Gerald
HINDI pa rin tinatantanan ng bashers ang aktor na si Janus del Prado matapos ang maaanghang nitong mga birada sa aktor na si Gerald Anderson.
Bagamat dinaan sa initials at pa-blind item, knowsung naman ng madlang pipol kung tungkol kanino ang kaniyang patutsada.
Mas lalo pang naimbyerna ang mga bashers nang magkaroon ito ng exclusive interview kay Ogie Diaz 5 kung saan mas detailed ang mga itinapong tsaa ng aktor.
Limang araw na ang nakakalipas matapos ang interview ay hindi pa rin nagpapaawat ng mga fans at hindi pa sila tapos sa pang-aatake kay Janus.
May mga admin at supporters na panay ang mura kay Janus at hinikayat pa ang iba na ireport at huwag panoorin ang interview niya kay Ogie.
At ngayon nga ay tila successful ang mga bashers dahil na-take down na ang post ng actor.
“Pinatake down nila yung post ko sa IG about boycotting them. Hate speech daw. Galing. Daming alipores. Lumalabas na talaga tunay na kulay. Alam niyo na guys pag nawala IG ko ah,” post ni Janus.
“Ako pa talaga yung mali. Like idols like fabs talaga. Manipulators. Hay nako di na talaga kayo magbabago. Good luck sa mga new projects ng idols niyo ah. Sana may manood. Di yung kayo kayo lang. #sorrynotsorry,” dagdag pa nito.
Samantala, nananatili namang walang pake sina Gerald Anderson at dyowa nitong si Julia Barretto.
Sa katunayan ay busy ang dalawa sa paglilinis ng gym ng aktor na katatapos lang i-renovate.
“Free labor ‘to kasi out of love to,” pagbabahagi ni Julia sa vlog ng dyowa.
Kasama rin nila sa vlog ang mag-dyowa rin na sina Joe Vargas at Bianca Yanga.
May banta pa nga si Julia na iwasan ang pag-iiwan ng fingerprint sa mirror dahil proud siya na siya ang naglinis nito.
Inimbitahan rin ni Gerald na dalawin ang kanyang gym kapag pwede na at manatiling ligtas ang lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.