Romeo binuhat ang FEU Tamaraws kontra Adamson Falcons | Bandera

Romeo binuhat ang FEU Tamaraws kontra Adamson Falcons

Mike Lee - September 08, 2013 - 03:14 AM

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. UE vs Ateneo
4 p.m. La Salle vs NU
Team Standings: NU (9-3); FEU (9-4); La Salle (8-4); UST (7-5); Ateneo (6-5); UE (5-6); Adamson (4-9); UP (0-12)

NASAMA si Terrence Romeo sa piling manlalaro na nakagawa ng multiple 30-point game sa isang season para pagningningin ang 92-80 panalo ng Far Eastern University sa Adamson University sa 76th UAAP men’s basketball tournament kagabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

May 32 puntos si Romeo sa 13-of-24 shooting para higitan ang dating collegiate high na 30 puntos habang nag-ambag din ng magandang numero sina Mark Bello at RR Garcia at ang Tamaraws ay dumikit ng kalahating laro sa nangungunang National University sa 9-4 baraha.

Si Bello ay may career-high na 18 puntos bukod sa siyam na rebounds at tatlong assists habang all-around numbers na 14 puntos, anim na assists, apat na rebounds at dalawang steals ang ibinigay ni Garcia at ang bataan ni FEU coach Nash Racela ay nagtrabaho sa second half upang iwanan ang talsik ng Falcons.

Sa kabuuan, ang Tamaraws ay tumapos taglay ang 56.1 percent shooting (37-of-66) para magsilbing pinakamataas sa taong ito.

Si Romeo ay nakasama na sa talaan na kinabibilanganan nina Bobby Ray Parks Jr., Ken Bono at Patrick Cabahug bilang mga players na dalawang beses o higit pa na gumawa ng 30 puntos pataas sa isang season.

Tinabunan ng panalong ito ang 63-39 pamamayagpag ng University of Santo Tomas sa University of the Philippines sa unang laro para sa ikatlong diretsong panalo ng Tigers.

May 18 puntos at 10 boards si Aljon Mariano habang si Kevin Ferrer ay may 12 puntos at siyam na rebounds para sa UST na nagsosolo ngayon sa ikaapat na puwesto sa 7-5 karta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending