Kim Chiu may 10 bagay na hindi alam nang pumasok sa PBB house
Kim Chiu
NAGBALIK-TANAW si Kim Chiu sa stay niya sa Bahay ni Kuya matapos makita ang isang post na sinasabing bagong pagtatayuan ng Big Brother house.
Sa kanyang Instagram account recently at nag-react ang host ng “It’s Showtime” sa nakasarang bahay.
“Okay WAIT!!!!! alam ko sabi ko bawal lumabas, pero bakit parang bawal na rin pumasok sa bahay mo Kuya??? tinakpan tapos ngayon may #10 ???” say ni Kim.
“Dati tinanong mo ko kung may nahanap na ba akong friends, mga Peng You sa loob ng bahay mo and super thankful ako kasi more than that pa yung binigay mo sakin, nakahanap ako ng family. kaya I hope everything’s okay Kuya!” dagdag pa niya.
Nagbalik-tanaw ang “It’s Showtime” host at ibinahagi ang 10 bagay na hindi niya alam noong pumasok siya sa Bahay ni kuya.
“1. diko alam ang oras.
“2. diko alam ang balita sa labas.
“3. diko alam kung ano ang sinasabi ng mga tao sakin.
“4. diko alam kung sino ang mga makakasama ko sa loob.
“5. diko alam ang mga haharapin kong pagsubok na ibibigay mo.
“6. diko alam kung kakayanin ko sa loob.
“7. diko alam kung hangang saan ang kakayanan at tapang ko.
“8. diko alam kung kamusta na ang pamilya ko sa labas.
“9. diko alam kung magtatagal ba ako sa loob ng bahay mo.
“10. diko alam kung ano ang haharapin ko pag labas ko ng bahay mo.”
Nagpasalamat si Kim dahil nagkaroon siya ng career after being a housemate.
“Pero ngayon masaya ako na binigay ko ang tiwala ko sa bahay na ito at kay KUYA na naging daan sa kung saan man ako ngayon. MARAMING SALAMAT KUYA! Mahal na mahal kita! #ForeverGrateful @pbbabscbntv,” say pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.