Pacquiao nag-sorry matapos matalo ni Ugas; tatakbo pa kayang pangulo sa 2022? | Bandera

Pacquiao nag-sorry matapos matalo ni Ugas; tatakbo pa kayang pangulo sa 2022?

Ervin Santiago - August 22, 2021 - 02:56 PM

Yordenis Ugas at Manny Pacquiao

NAG-SORRY sa sambayanang Filipino ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao matapos matalo sa laban nila ng Cuban boxer na si Yordenis Ugas.

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang hindi makapaniwala na uuwing luhaan ang senador dahil hindi nga nabigo siyang mapatumba si Ugas.

Naganap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada ang nasabing World Boxing Association Welterweight Championship fight nina Pacquiao at Ugas na pinanood ng milyun-milyong boxing fans sa buong mundo.

Matapos ang 12-round bout, nakakuha si Ugas ng 115-113, 116-112, at 116-112 mula sa scorecard ng mga judge.

Pahayag ni Pacquiao na magang-maga ang mukha pagkatapos ng laban, “I’m sorry that we lost tonight but I did my best and I apologize.”

Nabanggit din ng senador na nagkaroon siya ng problema sa kanyang binti, “My legs is so tight that’s why it’s hard to move.”

Kasunod nito, nagpasalamat din si Pacman sa lahat ng mga supporters niya, lalo na sa mga nagpunta pa sa T-Mobile Arena para panoorin nang live ang laban niya kahit may pandemya.

Sa nasabing panayam ay natanong din si Pacquiao kung lalaban pa siya uli pagkatapos niyang matalo, “I don’t know. Let me rest first, relax and make a decision if I will continue to fight or not.” 

At tungkol naman sa balitang pagtakbo niyang pangulo ng Pilipinas sa 2022 elections, “I will make a final announcement next month. I know I’m facing a big problem, more difficult work than boxing but I want to help the people. I want to help them.” 

Samantala, ibinandera naman ni Ugas sa buong mundo na siya pa rin ang kampeon pagdating sa boxing.

“I’m very excited but most of all, I want to thank Manny Pacquiao for giving me this opportunity in the ring today. We only had two weeks of training but I listened to my corner and it all worked out.

“I told you I am the champion of the WBA and I proved it tonight,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero kahit natalo niya si Sen. Pacquiao, mananatili pa rin ang paghanga at respeto niya rito, “He’s definitely a great competitor. A lot of respect for him, but I won the fight.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending