Donnalyn binasag na ang pananahimik; umalma sa mga akusasyon ng kapwa vlogger | Bandera

Donnalyn binasag na ang pananahimik; umalma sa mga akusasyon ng kapwa vlogger

Therese Arceo - August 17, 2021 - 10:12 PM


BINASAG na ng aktres at vlogger na si Donnalyn Bartolome ang kaniyang pananahimik ukol sa muling paglabas ng isyu sa kapabayaan niya sa kaniyang Lola Josie.

Matapos i-upload ng kapwa YouTube vlogger na si Jose Hallorina ang kaniyang one-on-one interview nang namayapang si Nanay Josie, hindi na nga napigilan ng dalaga ang emosyon at tuluyan na itong nagsalita sa pamamagitan ng pagre-release ng statement sa kaniyang Facebook page.

Ayon sa dalaga, hindi niya na kasalanan na hindi agad lumapit ang kaniyang Mama Josie dahil ayaw makaistorbo matapos nitong iwan ang contact number sa matanda.

“That’s her own decision. Wala akong kaalam-alam she’s in the streets,” saad ng dalaga.

“Ikaw (Jose) na rin ang nagsabi wala siyang grudge sa akin so no reason para di sa akin lumapit pero hindi mo sinabi ‘yun kasi this invalidates you ever released as the bad guy o pabayang kamag-anak,” pagpapatuloy niya.

Giit pa ng dalaga, bakit pumayag ang vlogger na pumirma sa settlement agreement kung hindi ito nagkamali?

“Ako I signed the agreement dahil hindi ko naman kakayanin yung option na idemanda ka kasi damay siya (Mama Josie) sa kagagawan mo,” pagpapatuloy niya.

Ayon rin sa dalaga, hindi naman homeless ang matanda dahil kumuha siya ng apartment para rito. Binigyan niya rin ito ng mga gamit at puhunan sa siomai business na gusto nito.

Nilinaw rin niya na si Jose Hallorina ang kumunsinti sa matanda nang magmatigas ito sa offer ng kanilang pamilya na tumira siya sa lugar na mababantayan siya.

Nilinaw rin nito ang paratang na pinabayaan nila ang matanda nang mamatay ito sa lansangan.

“Paano mo nasisikmura making money sa patay na? Paano yung sinasabi mong walang family na nag-asikaso? Who did she call when she was dying? Who tried to send her to the hospital pero di siya tinanggap cause the hospitals were full of COVID patients on Aug 7, 2020?

“MECQ nun, sobrang lala ng covid nun. Who will shoulder the hospital bills? Aug 8, 2020 sino nagasikaso ng paperworks for the funeral? Sino nagpacremate? Who spent so much to help without making content about this? Ako ‘yun, hindi ikaw,” buwelta ng dalaga.

Amin ng dalaga, sana raw ay hindi na nilabas ni Jose ang video kung saan minamaliit ng matanda ang P2,000 na tulong niya sa matanda noong nagsisimula pa lang ito sa pag-aartista.

Dagdag niya, pinaghirapan niya iyon at hindi pa naman ganoon kalaki ang kinikita niya noong panahon na ‘yun.

Bumawi naman ito nang malaki na ang kinikita at sinuportahan ang matanda sa mga pangangailangan. Mula sa groceries, gamit sa bahay, pati na rin ang mga utang nito ay binayaran ng dalaga.

“Hindi ako nagsalita kasi baka lumabas nagbibilang ako pero ang sakit nung yung tulong mo minamaliit,” pahayag niya.

Nilinaw rin nito na si Jose ang unang lumabag sa kasunduan matapos mag-post ng video na may litrato nila na tila pinapalabas na siya ang nag-ayos sa pamilya. Ito ay naganap kinabukasan matapos nilang pumirma ng settlement agreement.

Choice rin daw ng matanda ang paglabas dahil bilang isang PWD, nais niyang maging malaya at ayaw niyang pinapakialaman siya.

Ayon pa sa kaniya, ayaw ng kaniyang Mama Josie na i-involve ang pamilya niya kahit sa parinig title nito ngunit tila ito na ang ginagawa ng vlogger matapos ang pagpanaw ni Nanay Josie.

Ayaw umano ng matanda na madamay ang anak nito na 48 years old na ngayon. Hiling ng dalaga na sana ay walang masamang mangyari sa tiyuhin dahil sa mga ginagawa ng vlogger sa kanilang pamilya.

Natatandaan rin ng dalaga ang sinabi ng vlogger na, “Napansin ko ‘pag may issue madaming subscribers!! Dapt pala laging may issue.”

Naniniwala siya na lalabas rin ang katotohanan dahil matalino ang tao. At kung kaya niyang tumulong sa iba, what more pa kung kamag-anak ang mangailangan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tama na ang pang-gagamit mo saakin ay sa patay na, patahimikin mo na siya. SET HER FREE.. let her soul rest in peace,” mensahe ng dalaga sa vlogger.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending