Jaclyn inaatake na ng depresyon dahil sa pandemya: Nakakatakot, very, very hard, and so scary…
Jaclyn Jose at Kylie Verzosa
INAATAKE na rin ngayon ng matinding anxiety at depression ang award-winning actress na si Jaclyn Jose.
Inamin ng beteranang aktres na natatakot din siya sa tila lumalala at nakaaalarma na namang sitwasyon ng mga Filipino dulot ng muli namang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
“I’m having anxiety and depression because we can’t get out,” sabi ni Jaclyn nang humarap sa ilang miyembro ng entertainment press sa virtual mediacon ng pelikulang “The Housemaid” kahapon na pinagbibidahan ni Kylie Verzosa.
Ngunit sa kabila nga nito, sinabi ni Jaclyn na tuloy pa rin siya sa pagtatrabaho dahil ito ang nagpapasaya sa kanya at ito ang gusto niyang gawin.
“Hindi naman ako magiging ipokrita. Everybody needs to work, so kapag may work, blessing ‘yon.
“Nakakatakot, very, very hard, and so scary. Last year, nu’ng ginagawa namin itong The Housemaid, medyo hindi pa ganoon nakakatakot, e.
“Ngayon, mas nakakatakot because of some other variants na dumarating, nagmu-mutate. Mas nararamdaman ko yung takot ngayon,” pahayag ng Cannes best actress.
Natanong kasi si Jaclyn at ang iba pang cast members ng “The Housemaid” kung hindi ba sila natatakot na lumabas at magtrabaho sa gitna ng patuloy na banta ng killer virus.
Ayon pa kay Jaclyn, kasama rin siya ngayon sa teleserye ng GMA na “The World Between Us” na pinagbibidahan nina Alden Richards at Jasmine Curtis. At hindi pa tapos ang taping nila para rito kaya any moment ay sasabak na uli sila sa lock-in taping.
“I’m doing a soap. I love my work. I am so bored just to be at home and do nothing. This is what I do best. This is what I love to do best and kapag may ganitong kaganda na characters na ibibigay.
“Kahit na yung soap na ginagawa ko, makakalimutan mo for a while [ang takot]. And you need to be with your extended family, my showbiz people family, because it is hard,” paliwanag pa ng premyadong aktres.
Samantala, bukod kina Jaclyn at Kylie Verzosa, kasama rin sa “The Housemaid” sina Albert Martinez, Louise delos Reyes, Elia Ilano at Jobelyn Manuel. Ito’y sa direksyon ni Roman Perez.
Simula Sept. 10, mapapanood ang “The Housemaid” exclusive sa Vivamax.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.