Kulungan ni Napoles tadtad ng CCTV | Bandera

Kulungan ni Napoles tadtad ng CCTV

John Roson, Leifbilly Begas - September 07, 2013 - 02:44 PM

NAGKABIT na ang mga awtoridad ng anim na closed-circuit television (CCTV) camera sa piitan ng umano’y utak ng P10 bilyon pork barrel scam na si Janet Lim Napoles sa Fort Sto. Domingo, Laguna.

Pawang mga “operational” na ang mga CCTV na ikinabit sa gusali, sabi ni Senior Supt. Reuben Theodore Sindac, hepe ng PNP public information office.

Samantala, napag-alaman namang normal na ang kondisyon ni Napoles matapos siyang kuhaaan ng blood pressure at blood sugar sample ng mga bantay.

“Janet Lim Napoles verbalized that she had a good sleep,” ani Sindac, gamit bilang basehan ang impormasyon mula sa mga nakabantay na miyembro ng PNP Special Action Force.

Korte ang bahala
Samantala, sinabi ni Interior Sec. Mar Roxas na idudulog sa korte kung pwedeng ilabas sa publiko ang kuha ng mga CCTV camera.

Aniya, kailangan nilang malaman kung maaaring i-upload sa Internet ang mga ginagawa ni Napoles sa loob ng kulungan dahil baka labag sa batas ang basta na lamang ipalabas ang mga imahe.

“Idudulog natin ito sa korte. Ang korte ang magsasabi kung ano ang karapatdapat dito. Ang korte ang magpapasya kung nararapat ba ito o hindi.

Ang sa amin naman, meron nang CCTV na nakatutok dun. It’s just a question whether ia-upload ‘yan or hindi, it’s up to the court,” ani Roxas.

Di type
Hindi naman nagustuhan ng kampo ni Napoles ang ginagawang paglalabas ng pulisya sa mga larawan ng negosyante habang nakadetine.

Bunsod nito ay dudulog din sa korte si Atty. Lorna Kapunan, abogado ni Napoles, upang hilingin na itigil ang ginagawa ng National Police dahil nababastos umano ang kanyang kliyente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi rin nagustuhan ni Kapunan ang inilagay na anim na CCTV camera sa loob at labas ng kulungan. Hirit niya, hindi na kailangan ang mga kamera dahil mahigpit na umano ang pagbabantay kay Napoles ng mga guwardiya.

Ani Kapunan, kailangan ng kanyang kliyente ng konting privacy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending