Founder ng The Cacao Project may buwelta kay Nas Daily; ‘He only wanted content’
MATAPOS masangkot sa kontrobersiya kasama ang national artist at tattoo master na si Apo Whang-Od, muling nahaharap sa mainit na kontrobersiya si Nuseir Yassin nang i-call out ito ni Louise Mabulo, founder ng social entrerprise na The Cacao Project.
Inilahad ni Louise sa kanyang Facebook account ang mga naging karanasan nito kasama ang influencer na halos dalawang taon nitong kinimkim.
Taong 2019 nang bumisita sila Nuseir sa kanilang hometown sa San Fernando, Camarines Sur para mag-cover ng istorya tungkol sa The Cacao Project.
Amin ng dalaga, isa raw siyang fan ng Nas Daily at madalas raw nila itong panoorin ng kanyang ama. Ngunit agad rin daw nagbago ang paghanga nito sa influencer matapos malaman ang totoong kulay nito na malayong malayo sa ipinapakita nito sa kanyang mga videos online.
“I watched him imitate and mock the local accent and language, vocalising Tagalog-sounding syllabic phrases saying it sounded stupid. He repeatedly said that the people of my hometown ‘poor, ‘farmers are so poor!’, ‘why are Filipinos so poor?'” paglalahad ng dalaga.
Ayon pa sa kanya, ayaw raw ni Nuseir makarinig ng kwento tungkol sa farmers o farms dahil hindi raw ito ‘clickable content’.
“He didn’t care about making the change or shedding light on real issues— he only wanted content, a good, easy story to tell that would get him more Filipino views,” saad ng dalaga.
“He even joked at the start of the day that all he needed was to put “Philippines” in the title, and he’d rack in millions of views and the comments would come flooding with brainless ‘Pinoy pride’ comments,” pagpapatuloy ng dalaga.
Kuwento pa ng dalaga, sinisisi raw siya ni Nuseir dahil nag-aksaya lamang raw ito ng oras sa pagpunta sa Camarines Sur sapagkat hindi naman daw clickable o viewable ang istorya nila.
Ngunit naging transparent naman daw siya noong magkausap sila bago pa ito lumipad papuntang Pilipinas. Giit pa niya, sinabi niya rawcrito na hindi basta basta ang The Cacao project at imposibleng ma-cover ang istorya nito sa isang minuto tulad ng mga video kung saan siya nakilala.
“I should have known better, that this man was exploitative and fueling a neocolonialist narrative using our need for foreign validation. I’ve stayed silent because I knew that I would face backlash for calling out on this man— after all, it’s easy to take Nusseir’s word over mine,” pag-amin ng dalaga.
Pinili raw niyang manahimik dahil noong panahon na ‘yun, may kakayahan si Nuseir na manipulahin ang ilang taon niyang trinabaho at hindi niya kayang ilagay sa peligro ang kanyang hometown at mga magsasaka na makikinabang sa kanyang proyekto dahil lang sa kabastusan ng isang influencer.
Naniwala siya na darating ang panahon kung saan maaari na niyang ihayag ang nararamdaman at ngayon nga ang tamang pagkakataon matapos ang mga akusasyon sa influencer sa ginawa nito kay Apo Whang-Od pati na rin sa Butbot Tribe.
Hinangaan naman nito si Gracia sa pagiging matapang nito para i-call out ang nasabing influencer. Suportado niya raw ito sa pakikipaglaban sa kanilang karapatan.
Saad pa ng dalaga, dapat ay magtulungan ang bawat Pilipino dahil hindi tayo dapat abusuhin. Hindi daw dapat pinakakakitaan ng iba ang ating kultura.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.