Mga Laro Ngayon
(The Arena)
4 p.m. St. Benilde vs Mapua
6 p.m. Emilio Aguinaldo vs Perpetual Help
Team Standings: Letran (9-2); San Beda (8-2); Perpetual (8-2); Jose Rizal (5-5); San Sebastian (5-5); Emilio Aguinaldo (4-6); St. Benilde (4-6); Lyceum (4-7); Arellano (3-7); Mapua (1-9)
SALUHAN ang Letran sa unang puwesto ang nais gawin ng University of Perpetual Help habang dumikit sa unang apat na puwesto ang hanap ng host College of St. Benilde sa 89th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Ang Blazers ang unang sasalang laban sa Mapua Cardinals sa ganap na alas-4 ng hapon bago sundan ng tipanan ng Altas at Emilio Aguinaldo College Generals.
Ang di inaasahang 80-76 pagkatalo ng Letran sa Lyceum ang nagbigay ng pagkakataon para sa Altas na mahawakan ang liderato at iwan ang kasalo sa ikalawang puwesto na San Beda sa 8-2 baraha.
Nananalig si Perpetual coach Aric Del Rosario na manunumbalik ang husay ng kanyang mga alipores para di maulit ang dikitang 82-80 panalo sa Arellano.
photo: google.com.ph
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.