Kristine isinilang na ang ika-5 anak nila ni Oyo: Welcome to the world Vittorio Isaac! Bandera

Kristine isinilang na ang ika-5 anak nila ni Oyo: Welcome to the world Vittorio Isaac!

Ervin Santiago |August 04,2021
share this

Kristine isinilang na ang ika-5 anak nila ni Oyo: Welcome to the world Vittorio Isaac!

Ervin Santiago August 04, 2021 - 10:23 AM

Kristine Hermosa, Oyo Sotto at Baby Isaac

ISINILANG na ng aktres na si Kristine Hermosa ang ikalimang anak nila ni Oyo Sotto kagabi, August 3.

Isang baby boy uli ang ipinanganak ni Tintin na pinangalanan nilang Vittorio Isaac Sotto.

Ibinandera ni Oyo sa publiko ang good news sa pamamagitan ng kanyang Instagram kasabay ng pasasalamat sa lahat ng nagdasal para sa safe delivery ng kanilang baby boy. 

Ibinahagi ng aktor sa IG ang litrato nila ni Tintin kasama si Baby Isaac at nilagyan ng caption na, “Aug. 3, 2021 11:47 p.m. Lord Jesus maraming salamat! You are faithful!

“Thank you for another answered prayer! Perfect timing ka talaga Lord, nakapag trabaho pa ako kaninang umaga.

“To my family and friends, thank you for all your prayers, i love you. Welcome to the world Vittorio Isaac! i love you @khsotto,” mensahe pa ng anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie.

Sunud-sunod naman ang pagbati na tinanggap ng mag-asawa sa pagsilang ng kanilang 5th baby kabilang na riyan ang mga kapamilya at friends nila sa showbiz tulad nina Pauleen Luna, Angel Locsin, Rodjun Cruz, Ryan Agoncillo, Dianne Medina, Luigi Muhlach, Gian Sotto, Kathleen Hermosa at marami pang iba.

Kung matatandaan, inanunsyo ng celebrity couple noong December, 2020 na magkakaroon na sila ng “Baby No. 5.”

“Another answered prayer. Salamat God sa mga pahabol na sorpresa ngayong taon.

“Thank you Lord for sustaining us this entire year… pati rin sa mga nakaraang taon at sa buong buhay namin at ng mga anak namin. You are faithful God.

“Kung wala ka, di namin alam kung saan kami pupulutin. All glory to you God. Salamat sa pagmamahal mo sa amin,” pahayag noon ni Tintin.

Bukod kay Baby Isaac, ang apat pang anak nina Oyo at Kristine ay sina Ondrea Bliss, Kristian Daniel, Kaleb Hanns at Vin.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending