Hero Angeles takang-taka kung bakit nag-positive sa COVID: Parang huminto ang mundo ko! | Bandera

Hero Angeles takang-taka kung bakit nag-positive sa COVID: Parang huminto ang mundo ko!

Ervin Santiago - August 02, 2021 - 01:26 PM

Hero Angeles

TAKANG-TAKA ang aktor na si Hero Angeles sa nakakalokang experience niya matapos sumailalim sa swab test kamakailan.

Ayon sa binata, hindi natuloy ang plano niyang out-of-town vacation dahil nagpositibo raw siya COVID-19 base sa resulta ng kanyang naunang swab test.

Ikinuwento ni Hero sa kanyang Instagram post ang kanyang panghihinayang sa pinakahihintay na bakasyon sana kasama ang mga kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita at nakakasama dulot ng pandemya.

“Few weeks ago, nag-positive ako sa COVID-19. Nakakagulat at nakakapagtaka. Napatanong nalang ako sa sarili ko, totoo ba to?” simulang pahayag ng aktor. 

“I was invited for an out of town vacation with my friends at lahat kami excited dahil allowed na magtravel kahit pandemic.

“We had our RT-PCR swab test few days before our flight. The results came the next day. They all got a negative result and mine’s a positive,” ang nagtatakang chika pa ni Hero.

Dahil dito, natakot at naalarma siya para sa kanyang pamilya kaya agad niyang pina-swab test ang mga ito para maagapan agad kung sakaling may nahawa rin ng virus.

“Parang huminto ang mundo ko that time dahil di naman ako lumalabas ng bahay kung di importante, napaisip ako kung paano ko nakuha ang virus. 

“I got worried too dahil may mga kasama ako sa house na seniors, with comorbidities, and I have hyperthyroidism. 

“We immediately took RT-PCR swab test at home from a different lab company and our results were all negative,” sabi pa niya.

At kahit nagnegatibo na siya sa sumunod niyang swab test, nagdesisyon si Hero na ikansela na nang tuluyan ang kanyang bakasyon kasabay ng pakikipag-ugnayan sa mga contact tracers sa kanilang lugar. 

Nag-home quarantine na rin siya sa loob ng dalawang linggo, “I just got confused with my results. From positive, naging negative agad sa loob lang ng 24hrs. Is that even possible?

“We talked to the laboratories na nagperform ng tests ko and sabi nila, depende daw yun sa test kit na ginagamit. Di ko na tuloy alam kung anong kit ba ang mas accurate talaga,” sabi pa ni Hero.

Pagpapatuloy pa niya, “Pero I am thankful to God kasi we all got cleared and walang nagkasintomas kahit isa sa amin. But at the same time, I am really sorry that this happened. 

“Sorry po sa lahat ng close contact ko na nadamay. Sa mga nangamba at natakot. Sa mga trabaho na naabala. Sa mga special events na nacancel at di naattendan. At sa trauma na naexperience ng lahat.

“Sa pangyayaring ito, I realized that life is really short but full of surprises. We need to take good care of our health. We need to have a strong support system. We need to be more sensitive and strong for ourselves and others.

“It was really depressing but this incident strengthened my faith. I even thanked God for this dahil mas naging aware ako sa maraming bagay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gusto ko lang din magpasalamat sa aming LGU, contact tracers at mga taong nangamusta during and after our quarantine period. Naappreciate ko po ang inyong suporta at pagmamahal,” mensahe pa ng dating ka-loveteam ng Korean idol na ngayong si Sandara Park.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending