Cindy Miranda tinawag na kabit, malandi, bobo: Masakit, sinukat yung pagkatao mo nang hindi ka nila kinilala Bandera

Cindy Miranda tinawag na kabit, malandi, bobo: Masakit, sinukat yung pagkatao mo nang hindi ka nila kinilala

Ervin Santiago |July 29,2021
share this

Cindy Miranda tinawag na kabit, malandi, bobo: Masakit, sinukat yung pagkatao mo nang hindi ka nila kinilala

Ervin Santiago | July 29, 2021 - 11:07 AM

NA-HURT ang sexy actress at beauty queen na si Cindy Miranda sa mga bastos at malilisyosong salita na ibinato sa kanya ng mga netizens kaugnay ng paghihiwalay nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Magkasama sina Cindy at Aljur sa latest sexy drama movie ng Viva Films na “Nerisa” kaya naman nadamay ang dalaga sa controversial break-up ng celebrity couple.

Muling ipinagdiinan ni Cindy na hindi siya ang third party sa paghihiwalay ng mag-asawa kaya nakiusap siya sa publiko na itigil na ang pamba-bash sa kanya hinggil sa isyu.

Aniya, kung anu-ano na raw ang itinawag sa kanya ng mga hater sa social media dahil sa hiwalayang Aljur at Kylie kabilang na ang pokpok, malandi, kabit, boba at kung anu-ano pa kahit daw wala namang basehan ang naglabasang tsismis.

Sa muling pagharap ng dalaga sa ilang members ng entertainment media para sa solo virtual presscon para sa “Nerisa”, naging emosyonal siya sa pagsagot sa mga tanong tungkol dito.

“Parang lahat ng masama, naibigay sa akin. Pokpok, kabit, bobo. Pati nga po bobo, hindi ko po naintindihan (paano nila nasabing bobo ako).

“Alam mo yung masyadong sinukat yung pagkatao mo na hindi ka nila kinilala? Masakit lang kahit ayaw mong maapektuhan.

“Sa sobrang dami po talaga, may time na talagang nakatutok ako sa Instagram ko because I delete the comments,” depensa ng Binibining Pilipinas Tourism 2013.

Kahit nasasaktan, mas pinili na lang ni Cindy na manahimik at huwag nang pumatol sa haters, “Ayoko talaga. Hindi sila dapat welcome. Hindi po ako ma-social media na tao. I don’t really post that much.

“Pangit naman na makita ng ibang tao na ‘Oh my God, ano ba itong mga naka-comment dito.’ I just delete. Ayoko siyang patulan kasi sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano ba yung nasa isip nila.”

“Gusto ko lang po i-delete para hindi ko na uli mabasa kasi ang pangit na nasa page ko ‘yan di ba? Ayoko naman i-force sila na maniwala sa akin, pero lalabas din naman po yung totoo,” aniya pa.

Paliwanag pa ng dalaga, nagulat talaga siya nang mabanggit ang pangalan niya sa mga posibleng naging babae umano ni Aljur. Wala nga raw siyang kaalam-alam na hiwalay na pala talaga ang aktor kay Kylie habang ginagawa nila ang “Nerisa.”

Matagal nang nababalita na on the rocks na ang relasyon ng dalawa ngunit kinumpirma nga ito ng tatay ni Kylie na si Robin Padilla sa vlog ni Ogie Diaz.

“Nagulat ho ako kasi narinig ko na iyang isyu na iyan before pa po mag-start yung Nerisa. I think, nataymingan lang po yung interbyu ni Sir Robin Padilla, so they thought na ako yung naging dahilan.

“But then, kung malalaman po nila yung timeline, it was really before Nerisa pa nangyari ‘yan. Naikuwento naman po ‘yan sa akin ni Aljur, pero hindi ko po talaga alam yung detalye.

“I think Aljur answered na po yung mga ganyang question sa ibang interviews. Hindi po talaga totoo yung naging isyu na ‘yon.

“We’re friends. Very professional po yung naging trabaho namin ni Aljur. Sana suportahan na lang yung film, lalo na yung fans ni Aljur.

“Ang tagal din po na hindi nagkaroon ng movie ni Aljur. Sana suportahan po nila si Aljur,” aniya pa.

Samantala, siguradong maaakit at mababasa ka dahil kay Nerisa. Inihahandog ng Viva Films ang isa sa pinaka-sexy at daring na pelikula ng taon tampok sina Cindy at Aljur.

Nang iligtas ng mangingisda na si Obet (Aljur) ang magandang babae na si Nerisa (Cindy) na palutang-lutang sa dagat, naging sunod-sunod ang kamalasan at mga di maipaliwanag na pangyayari sa kanilang isla. 

Ang lahat ng mga kamalasan at di maipaliwanag na pangyayari ay sinisi ng mga taga-isla kay Nerisa, at may mga haka-haka pa sila na isa siyang sirena dahil sa kanyang kakaibang ganda at sa misteryong bumabalot sa kanya.

Walang pakialam si Nerisa kahit kinaiinggitan siya ng mga kababaihan at pinagnanasaan ng mga lalake sa isla. Dahil ang importante lang para sa kanya ay ang taong nagligtas sa kanya at kanyang napangasawa, si Obet. 

At nang mawala sa dagat si Obet dahil sa isang aksidente, nangako si Nerisa na gagawin at ibibigay niya ang lahat…kahit na ang kanyang katawan, mahanap lang ang kanyang asawa.

Kasama rin sa movie sina Elizabeth Oropesa, Bembol Roco, Sheree Bautista, AJ Raval, at Sean de Guzman, sa direksyon ni Lawrence Fajardo at mula sa panulat ng multi-awarded at critically acclaimed scriptwriter na si Ricky Lee.

Alamin ang katotohanan sa likod ng misteryong nababalot sa pagkatao ni Nerisa bukas, July 30, sa global premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, at TFC IPTV.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending