Ogie hinding-hindi malilimutan si Liza kahit maghiwalay sila ng landas | Bandera

Ogie hinding-hindi malilimutan si Liza kahit maghiwalay sila ng landas

Therese Arceo |July 28,2021
facebook
share this

Ogie hinding-hindi malilimutan si Liza kahit maghiwalay sila ng landas

Therese Arceo - July 28, 2021 - 05:27 PM

SAMPUNG taon na nga ang nakakalipas mula nang magsimula ang showbiz career ni Liza Soberano.

Sa YouTube channel ng kanyang talent manager na si Ogie Diaz, binalikan nito kung paano nagsimula si Liza sa industriya.

Kwento nito, hindi naman talaga daw siya ang unang nakadiskubre sa aktres kung hindi ang kaibigang si Dudu Unay.

Muntik pa nga raw na maging Kapuso si Liza dahil pumirma sila sa GMA ng one-year contract.

Nang mapag-alaman na may 30 days grace period na pupuwedeng mag-back out si Liza sa kontrata, agad raw nagpagawa si Ogie ng release na hindi na tutuloy si Liza.

Matapos noon, napunta na sa pangangalaga ni Ogie ang aktres at pinapirma ito ng 10-year contract.

Kinuwento rin nito kung gaano kasipag si Liza at kapursigido sa kanyang career. Noong nagsisimula pa raw ang aktres, walang itong kiber kahit na nagco-commute lang ito papunta sa mga taping niya.

Naawa raw ito at sinabihan ang ama ng aktres na kumuha ng sasakyan. Noong una, ayaw pa ng ama ni Liza dahil wala raw itong pambayad. Sinabi ni Ogie na siya ang bahala at wag mag-alala sa bayarin.

“Willing akong sumugal eh,” paglalahad ng talent manager.

“Ang pag-aalaga ng talent, para kang nagluwal ng sanggol. Mula sa sinapupunan mo, palalakihin mo ‘yan, bibihisan mo ‘yan, huhubugin mo hanggang siya’y lumaki.”

Ikinuwento rin ni Ogie na sa tuwing nakikita niya ang bunsong si Meerah, nakikita niya ang mukha ni Liza.

Hindi raw daw magkamukha ang mga ito kung hindi dahil ang aktres daw ang bumuhay sa kanyang bunso.

Noon raw kasing mga panahon na nag-aagaw buhay ang bunso nito, ang mga commission niya raw mula kay Liza ang kanyang pinagkunan para masustentuhan ang lahat ng gastos sa hospital.

Ika pa ni Ogie, kahit maghiwalay raw sila ng landas ng aktres, tatanawin raw niyang malaking utang na loob ang pagdating nito sa kanyang buhay.

Talaga namang blessing si Liza kay Ogie at ganon rin si Ogie kay Liza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

For sure, malaking panghihinayang ang nararamdaman ng GMA7 nang hindi ito naging Kapuso lalo pa’t patuloy ang pamamayagpag ng career nito.

Tila wala ring chance na maging certified Kapuso ang aktres dahil nananatili itong loyal sa Kapamilya kahit wala pa rin itong prangkisa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending