Bianca, Andrea proud na proud sa 'Legal Wives': Nakakakilabot! Ang sarap-sarap sa pakiramdam! | Bandera

Bianca, Andrea proud na proud sa ‘Legal Wives’: Nakakakilabot! Ang sarap-sarap sa pakiramdam!

Ervin Santiago - July 25, 2021 - 08:57 AM

SA kabila ng hinarap na mga problema at challenges ng produksyon, proud na proud ngang ibinandera ng cast ng bagong Kapuso series na “Legal Wives” na mapapanood na ito sa wakas sa GMA 7.

Ayon sa dalawang lead stars ng serye na sina Bianca Umali at Andrea Torres, talagang  maipagmamalaki nila sa buong mundo ang kanilang natapos na proyekto kahit na ilang beses silang sinubok ng pandemya.

Kung matatandaan, ilang beses natigil ang lock-in taping ng programa dahil biglang tumaas uli ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa kaya na-delay din ang pagpapalabas nito.

“Napakaganda po noong proyekto, seeing the teasers po na ipalalabas, kahit ‘yung behind-the-scenes photos namin.

“Looking back at how we worked on this project for how many months, ‘yung finally na natapos namin at nabuo po namin ito, ang sarap po sa pakiramdam. It was such a huge relief,” ang sabi ni Bianca sa nakaraang virtual mediacon ng “Legal Wives.”

“Nakatutuwa kasi na-accomplish naming lahat nang walang kulang. Nagawa namin lahat ‘yung part namin. Lahat kami proud and confident na maipakita ito sa mga tao, sa mga manonood.

“I’m very happy na natapos po itong show na ito and of course I am very very happy and honored to be part of this project,” dagdag pang chika ng dalaga.

Si Bianca ang gaganap sa kuwento bilang Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Dennis Trillo na gaganap bilang si Ismael, isang Mranaw mula sa marangyang angkan.

Para naman kay Andrea, “Nakakakilabot po noong napanood ko. Nakaka-proud talaga, lalung-lalo na, ang daming nangyari. Still, ‘yung production po namin talagang ayaw talaga nilang ibahin ‘yung vision nila.

“Talagang gusto nila kung paano nila pinlano, na malaki, na talagang maipakita nang buong-buo ‘yung kultura ng Muslim, ‘yun talaga ‘yung maibigay namin,” aniya pa.

“Medyo na-delay kami pero talagang pinush nila ‘yun kasi sobrang grabe talaga ‘yung naiisip nila for this project. We’re very happy na finally mapapanood na ng mga tao,” chika pa ng sexy actress na gaganap naman bilang Diane, ang pangalawa at tanging Kristiyanong asawa ni Ismael.

Ang “Legal Wives” ay kuwento ng isang kakaibang pamilya kung saan pakakasalan ng isang lalaki ang tatlong magkakaibang babae dahil sa iba’t ibang mabibigat na dahilan.

Bukod kina Andrea, Bianca at Dennis, kasama rin sa serye si Alice Dixson bilang unang asawa ni Dennis sa kuwento. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang world premiere ng “Legal Wives” ngayong Lunes, July 26, pagkatapos ng “The World Between Us” sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending