Pekeng Jose Manalo sinungaling, gustong ipahamak si Wally | Bandera

Pekeng Jose Manalo sinungaling, gustong ipahamak si Wally

Ervin Santiago - September 06, 2013 - 01:36 PM

Wally Bayola at Jose Manalo INQUIRER

Huwag daw paniwalaan ang lahat ng naka-post sa sinasabing Twitter account ni Jose Manalo. Ayon kasi sa kampo ng komedyante, peke raw ito.

Noong Sept. 3 kasi, kumalat sa mga social networking sites ang post ng isang nagpakakilalang @manalo_jose, tungkol sa sex video diumano nina Wally Bayola at EB Babes Yosh na parehong napapanood sa Eat Bulaga! Nag-tweet kasi @manalo_jose na hindi na raw mapapanood ang kanyang partner na si Wally sa Eat Bulaga dahil nga sa video scandal nito at ng member ng EB Babes.

Pero mabilis na nagdenay ang produksiyon ng Eat Bulaga, ayon sa official account ng noontime show ng GMA sa Twitter, ang @eatbulaga, hindi galing kay Jose Manalo ang tweet na iyon. Ayon sa @eatbulaga: “Hi mga Dabarkads! Wala pong twitter account si Dabarkads Jose,” ibig sabihin kuryente ang kumalat na tweet ni Jose.

Hanggang ngayon ay wala pa ring ibinibigay na opisyal na pahayag si Wally at maging si EB Babes Yosh tungkol sa kinasasangkutan nilang iskandalo. Bukod sa sinabi ng mga bossing ng Eat Bulaga na hindi muna mapapanood si Wally sa programa ay wala na itong kasunod na paliwanag.

Pero totoo kaya ang mga tsismis na sa kabila ng mga nangyari, wala raw balak makipaghiwalay kay Wally ang kanyang misis? Ibig sabihin, martir pala ang asawa ng komedyante? E, paano kaya ang kanyang limang anak na puro babae pa naman? Marami pa rin ang may gustong marinig sa mga sasabihin ni Wally tungkol dito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending