Lock-in taping para sa bagong serye ni Heart na-delay, nahirapang humanap ng 2nd leading man | Bandera

Lock-in taping para sa bagong serye ni Heart na-delay, nahirapang humanap ng 2nd leading man

Ervin Santiago |July 19,2021
facebook
share this

Lock-in taping para sa bagong serye ni Heart na-delay, nahirapang humanap ng 2nd leading man

Ervin Santiago - July 19, 2021 - 11:02 AM

RICHARD YAP, HEART EVANGELISTA AT PAOLO CONTIS

NA-DELAY pala ang taping ng bagong romcom series ng GMA na “I Left My Heart in Sorsogon” dahil medyo nahirapan silang hanapin ang perfect na aktor na gaganap para sa isang bidang karakter sa kuwento.

Kuwento ng lead star ng serye na si Heart Evangelista, talagang kinarir ng production ang paghahanap sa aktor na magbibigay-buhay sa role ni Makoy, ang ex-boyfriend ni Celeste, ang gagampanan niyang karakter sa kuwento.

Hanggang sa magdesisyon na nga ang mga bossing ng GMA na ibigay kay Paolo Contis ang role na kering-kering magpatawa at magdrama.

Kaya naman super excited na si Heart dahil makalipas ang mahabang panahon ay muli silang makakatrabaho ni Paolo kasama pa ang dati ring Kapamilya star na si Richard Yap.

Ayon kay Heart, perfect si Paolo sa karakter ni Mikoy, “I’m so excited kasi siyempre you have Richard and you have Michelle (Dee) and there’s Paolo.

“Paolo was really… it was hard to find somebody to play Mikoy, and Paolo’s actually the first one na nag-script reading kami parang lahat kami (na-feel na siya na nga ang perfect for the role).

“So, I’m excited na nabuo na kami finally, kasi na-delay kami in the beginning kasi we needed someone like Paolo, and Paolo showed up,” sabi pa ng aktres at fashion icon sa panayam ng GMA.

Feeling blessed and grateful naman si Paolo na sa siya ang napili para sa nasabing project. Bukod sa napakaganda raw ng tema ng serye ay muli nga silang magkakasama ni Heart sa trabaho.

“I’m very excited, masaya ako na naka-attend ako doon sa script reading na ‘yun. Siyempre sinubukan ko namang galingan para mapili ni Ms. Heart,” aniya.

Subok na ang pagiging magaling na komedyante ng aktor bilang isa sa mainstay ng longest-running gag show ng GMA na “Bubble Gang” at pinahanga at pinaiyak din niya ang publiko sa kanyang akting sa pelikulang “Through Night and Day.”

“For me this is new, sobra, kasi kahit naman ‘yung ibang mga ginawa ko kahit sabihin mo ng ‘leading man,’ pilyo pa rin. So this is something very different.

“And alam naman natin kung gaano ka-quirky ‘yung character ni Heart so it’s my job na makasabay sa kanya, more than anything,” sabi pa ng mister ni LJ Reyes.

Excited na rin si Paolo na bago niyang teleserye dahil pwede na raw siyang mapanood sa TV ng kanyang anak na si Summer Ayana.

“At least ito ‘yung pwedeng niyang (Summer) panoorin kasi ‘yung Bubble, hindi niya puwedeng panoorin ‘yun, e. At least ito may mapapanood siya, magiging proud siya,” sabi pa ng Kapuso actor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung hindi kami nagkakamali, naka-hotel quarantine na ngayon sina Paolo, Heart, Richard at iba pang cast members ng “I Left My Heart in Sorsogon” bilang paghahanda sa kanilang lock-in taping.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending