Ryan, Kakai trending sa socmed matapos maturukan | Bandera

Ryan, Kakai trending sa socmed matapos maturukan

Therese Arceo |July 14,2021
facebook
share this

Ryan, Kakai trending sa socmed matapos maturukan

Therese Arceo - July 14, 2021 - 04:40 PM

ALIW na aliw ang mga netizens sa mga Kapuso stars na sina Ryan Agoncillo at Kakai Bautista nang matanggap nila ang second dose vaccine laban sa COVID-19.

Sa isang video na ipinost ni Kakai, makikitang tuwang-tuwa ang mga tao sa vaccination site sa mga kwelang punchline ng komendyana.

Suportado naman siya ng kaibigan at co-star sa “First Yaya” na si Sanya Lopez na nakahawak pa sa kanyang kamay.

Napamura pa nga ang dalaga nang mabakunahan. Hirit pa nito, wala na raw siyang maramdaman at tila pag-ihi na lang raw ang nagpapakilig sa kanya.

Nagpasalamat naman siya sa vaccinator nang matapos siyang mabakunahan dahil sa wakas, fully vaccinated na rin siya.

Samantala, marami rin ang natawa sa daring photo na tila nakalabas ang balikat ni Ryan Agoncillo na ipinost nito sa kanyang Instagram account na may caption na, “My most daring role ever. Turok part 2. Warning: wag magpolong mahigpit para bakuna’y di sumabit.”

Hanggang sa Instagram story ay talaga namang hindi maka-move on ang asawa nitong si Judy Ann Santos dahil panay ang tawa nito. Nag-post rin ito sa sarili nitong account ng mga photos nila habang nagpapabakuna na may caption na, “2nd dose done! Nagsimula sa seryoso, nag ending sa pakabugan ng entry sa pagturok!
“Isang mahalagang paalala.. wag pong magsusuot ng polo na mahigpit ang manggas. na miss ka namin uge! @bakunasikat #ingatangat #mmda maraming salamat sa lahat ng frontliners na walang kapantay ang serbisyong ibinibigay para sa ating lahat.”

Ilang mga celebrities at kaibigan nila sa industriya ang natawa at napa-comment sa kanilang post tulad nila Aiko Melendez, Rica Peralejo, Julia Clarete at marami pang iba.

Comment pa nga ng talent manager na si Noel Ferrer, “Ang ganda sa sawikaan!!! Panalo @ryan_agoncillo … Happy that you are fully vaxxed! The people in vaccination site enjoyed and appreciated you!!! Ang saya niyo raw turukan!!!”

Ngunit sa kabila ng nakakatawang post, hindi pa rin nakalimutan ng mag-asawa na hikayatin ang lahat magpabakuna na rin as soon as possible lalo na ang mga artista gaya nila dahil sa kanilang trabaho para na rin sa kanilang sariling proteksyon laban sa sakit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending