Mali ang pangalan, hindi makapag-claim sa PAG-IBIG | Bandera

Mali ang pangalan, hindi makapag-claim sa PAG-IBIG

Lisa Soriano - September 06, 2013 - 05:00 AM

ANG papa ko po ay miyembro ng Pag-ibig fund.
Ang spelling ng name niya sa Pag-ibig ay Benjamen Poralan. Ang tunay na spelling na name ng papa ko ay Benjamin Puralan.
Paano at ano po ba ang gagawin namin upang ma correct ito? Di kasi kami makapag claim.
REPLY: Ito po ay tungkol sa katanungan ng anak ni G. Benjamin Puralan, na inyong inendorso sa aming tanggapan upang aksyunan o tugunan.

Upang maitama ang spelling ng pangalan ni G. Benjamin Puralan ay maari po siyang humingi ng Certificate of Name Discrepancy mula sa kumpanyang kanyang napasukan at isumite ito sa Pag-IBIG Branch kung saan naghuhulog ang nasabing kumpanya.

Para sa kanilang karagdagang katanu-ngan, maaari silang tumawag sa aming tanggapan sa Member Relations Department sa tel.no. 654-6524 o magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng Pag-IBIG sa kanilang lugar.
Maraming salamat po!
Sumasainyo,
JERRILYNN L.
PILAR, DPA
Department
Manager III
Member Relations Department

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa [email protected]. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending