Inigo todo kayod para sa ipatatayong dream house, ayaw umasa kay Piolo | Bandera

Inigo todo kayod para sa ipatatayong dream house, ayaw umasa kay Piolo

Reggee Bonoan |July 11,2021
facebook
share this

Inigo todo kayod para sa ipatatayong dream house, ayaw umasa kay Piolo

Reggee Bonoan - July 11, 2021 - 05:37 PM

ANG tarush ni Inigo Pascual dahil na-feature sa “Simply K-POP” na ipinalabas sa Arirang TV ang album niyang “Options” na ni-release nitong Hunyo 25.

Base sa kuwento ng handler niyang si Caress Caballero, ang lakas daw kasi ng K-Pop influence ng binata, lalo pa’t kinunan sa Korea ang isa niyang music video.

“‘Yung Simply K-Pop na ipinalabas sa Arirang TV ang featured artist sa Pilipinas si Inigo Pascual featuring ‘yung album niya na Options.

“Kasi ang lakas ng K-Pop influence niya kasi ‘yung Option music video niya sinyut sa Korea kaya medyo close sa Korea ‘yung kanta niya,” sabi sa amin ni Caress.

At kaya familiar na rin ang ibang bansa sa album na ito ni Inigo ay dahil nag-international tour na pala siya.

“Two years in the making ito birthmate. Nagsimula kaming i-promote ito sa Amerika, sa Australia, Japan, sa UK tapos nagkaroon na ng pandemya, so na-hold ‘yung mga tour namin.

“So, the rest of the songs, ini-release na lang digitally pero pag natapos na itong pandemyang ito, ire-resume ‘yung ikot ng album, mag-international tour ulit kami,” kuwento pa ni Caress.

Sabi namin isa rin siguro ito sa dahilan kung bakit kaliwa’t kanan ang kumuha kay Inigo bilang product endorser na sabay-sabay pang umeere ngayon sa telebisyon at iba pang platform.

Bukod dito ay nagustuhan din ng mga kliyente si Inigo dahil siya na rin ang sumulat at kumanta ng soundtrack ng bawa’t produkto kaya nakamenos nga naman sila sa oras kung hahanap pa sila ng iba.
Ang hindi lang namin naitanong ay kung may diskuwento ito sa talent fee ng binata.

Sa kasalukuyan ay walang girlfriend ang nag-iisang anak ni Piolo Pascual dahil mas inuuna nitong pagtuunan ang maganda niyang singing career.

Kaya nga nananalangin siya na matapos na ang COVID-19 pandemic para matuloy na lahat ang projects niya sa ibang bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mega-work daw talaga ang binata dahil plano nitong magpatayo ng sarili niyang bahay kasama ang ina na hindi galing sa pera ng amang si Piolo Pascual. Sa ngayon ay nakabili na ng sariling condo unit si Inigo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending