Joem nagpaalam muna kay Meryll bago nakipag-churvahan kina Lovi at Rhen sa 'The Other Wife' | Bandera

Joem nagpaalam muna kay Meryll bago nakipag-churvahan kina Lovi at Rhen sa ‘The Other Wife’

Ervin Santiago |July 08,2021
facebook
share this

Joem nagpaalam muna kay Meryll bago nakipag-churvahan kina Lovi at Rhen sa ‘The Other Wife’

Ervin Santiago - July 08, 2021 - 08:28 AM

INAMIN ng Kapamilya actor na si Joem Bascon na nagpaalam muna siya kay Meryll Soriano bago gawin ang mga sex scenes sa bago niyang pelikula, ang erotic-drama-thriller na “The Other Wife”.

Sa trailer pa lang kasi ng latest offering ng Viva Films na idinirek ni Prime Cruz ay talagang umaatikabong laplapan at love scene na ang nasilip ng madlang pipol.

Hindi naman itinanggi ni Joem na matindi ang ginawa niyang maiinit at mapangahas na eksena sa “The Other Wife” kasama ang dalawang palaban ding leading ladies niyang sina Lovi Poe at Rhen Escaño. 

Kaya naman kailangan daw muna niya itong ipagpaalam sa partner niyang si Meryll, “Yes, opo, pinapaalam ko po. And then sa tulong ni Direk Prime at ng buong production staff, naayos naman, napag-usapan naman. 

“Siyempre kung minsan may mga bagay na kailangang i-tone down o kailangang baguhin lalo na kapag nasa set na, pero napag-usapan naman.

“Napag-usapan namin yon ni Meme (palayaw ni Meryll), and I guess after this, siguro yon, magto-tone down muna ako sa paggawa ng daring scenes sa mga films na gagawin ko,” chika pa ni Joem sa nakaraang face-to-face presscon ng “The Other Wife” na ginanap sa Boteyju resto sa Capitol Commons,  Estancia, Pasig City.

Sa tanong naman kung may plano na ba silang magpakasal ni Meryll, inamin ni Joem na hindi pa niya masasagot sa ngayon ang tungkol dito.

“Naka-focus muna kami ngayon ni Meme kay Guido, sa baby namin. Kung napag-uusapan na ba namin ngayon yung sa kasal, sa pag-aasawa, hindi ko pa yan masasagot ngayon. 

“Siguro sa susunod nating pagkikita baka masagot ko na. As of now ini-enjoy lang po namin yung time namin together with the baby and sobrang saya lang naming dalawa na naka-focus lang kami sa bata at nasa bahay lang kami,” sey ni Joem.

Samantala, balik-tambalan nga ang dalawang award-winning stars na sina Lovi at Joem sa pinakabagong kabit movie ng Viva but with a big and shocking twist. 

Kung nabitin kayo sa pinaggagawa nila sa pelikulang “The Annulment”  noong 2019, sigurado raw na mapapaigtad at mapapanganga kayo sa mga bagong pasabog nila sa “The Other Wife” kasama ang wala ring takot sa paghuhubad na si Rhen Escano ng LGBTQIA+ movie na “Adan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa July 16 na ang global premiere ng “The Other Wife” via streaming platform na KTX.ph, iWantTFC, TFC IPTV at Vivamax.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending