Mayor Vico naging leading man din noon ni Janine: Napakasarap alalahanin... | Bandera

Mayor Vico naging leading man din noon ni Janine: Napakasarap alalahanin…

Reggee Bonoan |July 04,2021
facebook
share this

Mayor Vico naging leading man din noon ni Janine: Napakasarap alalahanin…

Reggee Bonoan - July 04, 2021 - 02:07 PM

ANG cute-cute nina Pasig Mayor Vico Sotto at Janine Gutierrez sa isang throwback photo noong mga bata pa sila.

Nag-post sa Instagram ang nanay ng aktres na si Lotlot de Leon ng litrato ng kanyang anak kasama ang alkalde ng Pasig.

Magkasama sa school play ang magkababata na nakitaan ng chemistry ng mga netizens kaya kung nag-artista siguro si Mayor Vico ay malamang sila ni Janine ang magka-loveteam.

Ang caption ni Lotlot sa mga larawan nina Vico at Janine, “Kay bilis ng panahon…ang aking panganay na laging kasama dati sa school play at ang kanyang leading man ay walang iba kundi ang napakahusay na Mayor ngayon ng Pasig. Janine and Mayor Vico.

“Both meant to be great in their chosen careers! Napakasarap alalahanin at tignan!
nakaka proud talaga! Hi babe! @janinegutierrez.”

Smiling emoji ang reaksyon ng boyfriend ng dalaga na si Rayver Cruz at emoji hearts naman ang sagot din ng future monther-in-law ng aktor.

Nag-comment din si Mayor Vico sa post ni Lotlot ng smiling emojis na sinagot naman ng aktres ng, “@vicosotto Mayor, proud of you! (clapping hands emojis).”

Sabi naman ni Mayor Vico, “Thank you Tita @ms.lotlotdeleon! Last appearance ko po bilang artista ‘yung play na to.”

Sagot uli ng nanay ni Janine, “@vicosotto awwww heheh. stay safe and healthy! God bless you always!”

Pabor naman si @sidney_pablico sa tambalan nina Janine at Vico, “@vicosotto bagay din kayo ni @janinegutierrez as love team Mayor @vicosotto.”

May nagsabi naman na sana’y maisipan nga ni Mayor Vico na i-try din ang pag-aartista kahit special guest lang sa mga TV show o sa pelikula ni Janine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending