Babae ang baby (2) | Bandera

Babae ang baby (2)

Joseph Greenfield - September 05, 2013 - 01:35 PM

Sulat mula kay Edna ng Barangay Mangagoy, Bislig City  
Problema:
1.  Apat na taon na kaming nagsasama ng asawa ko at maligaya ang aming buhay.  Pero, may kulang: anak.  Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming anak.  Seaman ang mister ko at uuwi sa susunod na taon.  Itatanong ko lang kung magkakaanak ba kami.  At kung magkakaanak ay kailan.  Babae ba o lalaki?
Umaasa,
Edna ng Barangay Mangagoy, Bislig City  
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries  (Illustration 2.) ay nagsasabing kung isang Sagittarius ang iyong mister,  sa taon 2014, sa tatlong huling mga buwan, ay mabubuntis ka at paglipas ng siyam na buwan, isang malusog na babaing sanggol ang isisilang.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing mapalad ka sa taon 2014, dahil ang 2014 ay may suma-total 5. Ang numero, tulad din ng numero ng kapanganakan mo, ay nagpapahiwatig ng babaing sanggol na siyang unang magiging anak ninyo ng mister mo.
Graphology/Luscher Color Test:
Upang mas madaling matupad ang tinurang pag-aanalisa sa itaas lagi kang gumamit ng kulay na pula, lalo na sa inyong silid, habang lagyan mo ng bilog na buntot ang ilalim na bahagi ng letrang “g”, sa iyong aplido. Sa ganyang lagda at pagamit ng kulay na pula, sigurado ang magaganap – magkakababy na kayong at ang inyong samahan ay ganap ng magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
Edna, ayon sa iyong kapalaran matatapos na rin ang nakakainip na paghihintay, dahil sa taon 2014, isang babaing supling ang mabubuo sa iyong sinapupunan, upang pagsapit ng taon 2015, isang malusog na babaing sanggol ang kukumpleto sa masayang pagsasama ninyong mag-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending