Lauren na-culture shock sa pagbabalik-showbiz; Tom enjoy sa pagkokontrabida
MAKALIPAS ang dalawang taon ay muling mapapanood sa telebisyon si Lauren Young sa upcoming GMA mini-series na “Never Say Goodbye” kasama sina Jak Roberto at Klea Pineda.
Ang “Never Say Goodbye” ang isa sa mga kwento na mapapanood sa pinakabagong drama-anthology series na “Stories from the Heart.”
Sa isang vlog ay ibinahagi ni Lauren ang kanyang naging karanasan habang naka-quarantine sa hotel bilang bahagi ng preparasyon ng kanilang lock-in taping.
“Today, what I have to do is a script reading. They’ve organized these activities for us to do while we’re here para it’s productive and I guess as a way to check up on us and make sure na hindi kami magka-cabin fever,” pahayag ng aktres.
Inamin din ni Lauren na naninibago siya sa kanyang pagbabalik-showbiz, “Ang tagal ko na kasing hindi umaarte. This life and this lifestyle, it seems so new to me.
“I haven’t acted in two years, hindi na ako sanay. Nasanay lang ako na my life has been so simplified. I’m not used to this glitz and glamour anymore.
“After doing this for more than 10 years, nagpahinga ako because of COVID so medyo naku-culture shock ako,” lahad pa ng sisteraka ni Miss World Megan Young.
Ngayong linggo ay nagsimula na ang lock-in taping ng buong cast at production sa isang lugar sa Mabalacat, Pampanga.
Bukod kina Lauren, Jak, at Klea, makakasama rin nila sa mini-series na ito sina Snooky Serna, Max Eigenmann, Kim Rodriguez, Sharmaine Santiago at Mosang.
Sa direksyon ni Paul Sta. Ana, abangan ang nakakakilig at nakaka-inspire na kwento ng “Stories from the Heart: Never Say Goodbye” sa GMA 7.
* * *
Kakaibang Tom Rodriguez ang dapat abangan ng viewers sa upcoming GMA primetime series na “The World Between Us.”
Malayo raw sa mga naging roles niya noon ang karakter ni Tom na si Brian Libradilla sa highly-anticipated series ng Kapuso Network.
Gaganap siya bilang nakatatandang kapatid ni Lia (Jasmine Curtis) na pipigil sa pagmamahalan nila ni Louie (Alden Richards).
Aniya, “Iba (si Brian), he’s wounded, may bubog but at the same time, there are layers to him as well. Hindi lang siya kontrabida just to be a kontrabida.
“The writers, the creative, they really put dimensionality to each of the characters, hindi lang kay Brian kaya ang saya, ang saya niyang i-portray,” kuwento ni Tom.
Bukod kina Alden, Jasmine, at Tom, kabilang din sa series sina Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, Sid Lucero, Kelley Day, Yana Asistio, Donn Boco, at Jericho Arceo.
Abangan ang world premiere ng “The World Between Us” ngayong July 5 na sa GMA Telebabad at GMA Pinoy TV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.