Catriona Gray Academy rarampa na para sa kursong 'How to be a Queen' Bandera

Catriona Gray Academy rarampa na para sa kursong ‘How to be a Queen’

Ervin Santiago |June 28,2021
share this

Catriona Gray Academy rarampa na para sa kursong ‘How to be a Queen’

Ervin Santiago June 28, 2021 - 09:50 AM

ANG bongga-bongga ng bagong project ni 2018 Miss Universe Catriona Gray para sa mga kabataang nangangarap ding maging isang beauty queen.

Ibinandera ng dalaga na very soon ay rarampa na ang kanyang The Catriona Gray Academy sa pamamagitan ng kilalang online platform na Nas Academy.

Yes, mismong si Catriona ang magte-train at magtuturo sa mga Pinay na nagnanais ding magkaroon ng national at international title and crown bilang beauty queen.

Nag-post si Catriona sa kanyang Instagram account ng kanyang litrato kung saan in-announce niya sa caption na isa siya sa mga napili na maging bahagi ng Nas Academy simula ngayong taon.

“I’ll be joining a long list of content creators who’ve turned educators at the Academy – and I can’t wait to use this platform to teach you how to empower yourself every single day.

“This is my first, in-depth course teaching you the skills and tips I used to conquer the Universe and every other stage I’ve been on since,” mensahe ng girlfriend ni Sam Milby sa madlang pipol.

Base sa website ng Nas Academy, ang titulo ng course na mapupunta kay Catriona ay “How to be a Queen”, kung saan kasama sa mga ituturo ng dalaga kung paano ire-reinvent ng mga kababaihan ang kanilang mga sarili. 

Tutulungan din ng Pinay beauty queen ang mga magiging estudyante niya, “to speak your mind, build self-confidence, overcome insecurities and win over challenges.

“Give your life a complete makeover as the former beauty queen guides you through how to empower yourself every single day,” ang nakasaad pa sa course description. Waitlists for “The Catriona Gray Academy” are already open.

Sa isang panayam sa dalaga, ipinagdiinan din niya na pinakamahalaga pa rin na maka-graduate muna ang mga kabataan bago pagtuunan ang pangarap na sumabak sa mga beauty pageant.

“Sa mga bata who want to pursue being a beauty queen, dapat ‘yung schooling muna, diba? Kasi you need to enrich ‘yung utak mo, so that you can speak well and have confidence in yourself before going on stage.

“Study hard. You listen to your teachers, and you keep dreaming, okay?” paalala pa niya.

Si Catriona ang ikaapat na Filipina na itinanghal na Miss Universe, kahilera sina Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending