Sef, Mikee bibida sa prequel ng ‘Pepito Manaloto’ bilang batang Bitoy at Manilyn
NAPILI na ng mga bossing ng GMA ang bibida sa “Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento” — ang bonggang prequel ng weekly at top-rating sitcom nina Michael V at Manilyn Reynes.
Ang dalawang maswerteng Kapuso stars na gaganap bilang batang Bitoy at Mane sa mga karakter nilang Pepito at Elsa sa nasabing sitcom ay sina Sef Cadayona at Mikee Quintos.
In fairness, halos lahat ng nabasa at narinig naming reaksyon sa pagkakapili kina Sef at Mikee para sa “Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento” ay puro magaganda at positibo.
Ayon kay Sef, mixed emotions ang naramdaman niya nang ipaalam sa kanya ng production na siya na ang gaganap na young Pepito.
“Grabe! Nagsabay-sabay talaga ‘yung takot, ‘yung nerbyos, ‘yung kaba na sobrang saya. Hindi ko ma-explain, pero very grateful,” pahayag ng Kapuso dancer at comedian.
Para naman kay Mikee, isa na namang challenge para sa kanya ang bagong project na ipinagkatiwala sa kanya ng GMA. Tinawag pa niyang “powerful” ang buong cast ng “Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.”
“Yung cast is very powerful! And I’m so excited to learn from them about comedy,” sabi ng dalaga.
Nagpapasalamat din ang dalawang Kapuso stars dahil talagang ginagabayan din sila ng kanilang direktor na si Bert de Leon pati na rin nina Bitoy at Manilyn.
Sey ni Sef, malaking tulong sa pagganap niya bilang young Pepito na nakakasama niya si Michael V. sa “Bubble Gang” habang si Mikee naman ay nakatrabaho na si Manilyn sa “The Lost Recipe” at “Dear Uge”.
Sey pa ni Sef, “Hindi nila kami binigyan ng pressure. Actually, parang nagbigay pa nga sila na huwag kayo mag-aalala, iga-guide namin kayo.”
Chika naman ni Mikee sa panayam ng GMA, “They’re very supportive, the original cast when we actually did the storycon.
“Nakasama po namin sila nu’ng nagka-storycon kami and we got the chance to ask a few questions about the characters na we’re gonna play and naging very welcoming naman sila,” sabi pa ng Kapuso actress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.